26.2

8.9K 140 3
                                    

26 part 2

"Ayaw mo ba?" Tanong sa akin ni Nathan. Ito na ang pangalawang condominium ang napuntahan namin.

"So far. Okay naman. What do you think?"

Nilibot nito ang buong paningin sa kwarto. Maliban sa showroom tiningnan nadin namin yung kwartong available.

"Okay na to sayo. Since ikaw lang naman mag isa. Okay na tong 1 bedroom.

"Sige kukunin ko na to." sabi ko. Lumabas na kami sa kwarto at nakipag negotiate sa salesperson ng condo.

"Im starving. Kain na tayo." Aya ko dito.

"Sige. Okay lang ba magpasta tayo? Italian cuisine?"

Napangiti ako. "Walang problema sa akin. Paborito ko ang pasta."

Namin.

Naming dalawa ni TH. Napabuntong hininga ako ng maalala ko si TH. I miss him na.

Nasa kotse na kami.

"I just wondering. May problema ba ang mata mo ngayon at kanina kapa nakashades? And also the scarf? Ako ang naiinitan tumingin sayo sa ganyan get up eh." Puna nito sa suot ko.

Pati ba naman suot ko napansin nito ngayon? Well, its part of my plan.

"Pag gising ko kaninang umaga. Nafeel ko lang na gusto ko ang ganito."

Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan.

"Wait hindi ko mahila itong seat bealt. I think it stuck."

Pinilit kong hilain yung strap ng seat belt.

Dumukwang ito sa akin. Ang lapit lapit ng mukha nito sa akin habang inaabot nito yung strap ng seat belt.

"Okay na." Sabi nito habang kinakabit nito ang strap. Nakatitig lamang ako dito.

Ang gwapo talaga nito sa malapitan.

Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong halikan.

"Bakit nanghahalik ka na lang bigla dyan?" Sita ko dito.

"Nag aabang ka ng kiss diba?" Nakangising sabi nito.

Inirapan ko na lamang ito. Pero sa loob loob ko. 'Nice one Nathan. Di ko na kelangan mag initiate.'

Pagdating namin sa italian restaurant agad na itong nag order.

"Diba sa Palawan ka mag iinvest?" Usisa nito habang inaantay namin ang order.

"Hindi na. Naisip ko na mas okay na dito sa Manila." Pag dadahilan ko. Totoong mag iinvest ako, pero sa Perralta FooD Inc. lang at nunca na sasabihin ko yun sa kaharap.

Mas maganda nalang na sabihin ko dito sa Manila para hindi nito mahalata kung ano ba ang pinag gagawa ko.

"Kung iyon ang gusto mo. Anyway this week baka hindi tayo magkita. Starting tomorrow. May mahalaga akong aasikasuhin."

Tumango na lamang ako. Malalaman ko din naman kay Yanna kung ano ang pagkaka abalahan nito sa darating na linggo.

"Ganoon ba? " medyo pinalungkot ko ang boses. "Ako lang pala mag isa makakapamili ng mga gamit?"

"You can do that next week pagbalik ko. Kung gusto mo."

LumiwanAg ang anyo ng mukha ko sa sinabi nito. "Really?"

Tumango ito.

Nang dumating na ang order namin kumuha ako ng pagkain na nasa plato ko at inilapit iyon dito.

"Try this one. Favorite ko to." Nakangiting alok ko dito.

Tinanggap naman nito. Kaya isinubo ko ang pagkain dito at sinadya ko na mabahiran ng sauce ang gilid ng labi nito.

"Masarap."

"Wait. May sauce ka sa mukha. Sorry." Dumukwang ako dito at pinahiram ng table napkin ang gilid ng labi nito.

pagkatapos naming kumain inihatid na ako nito sa hotel.

"Tatawag nalang ako kapag nandito na ako ulit. Sa Manila okay?"

Tumango ako.

"Sige." Pumunta na ito sa kotse nito habang ako naiwang nakatingin lamang dito.

Muli itong bumalik.

"May nakalimutan ka ba?"

Bigla akong hinalikan. "Yan ang nakalimutan ko. Sige aalis na ako." Nakangiting sabi nito.

Naiwang nakatanga lamang ako dito habang hawak hawak ko ang labi ko na hinalikan nito.

______________________________

"Ano ng resulta sa pinagagawa ko kanina?" Tanong ko kay Mr. Rodano ng pumunta ito sa Hotel suite ko.

Nilabas nito ang isang brown envelope at inilagay iyon sa coffee table.

"Magugustuhan nyo po panigurado Ms. Sera."

Kinuha ko ang envelope at tiningnan ang laman niyon.

Mga pictures namin ni Nathan kanina habang nag hahanap kami ng condo. Mga pictures na nakaemphasize na nakaholding hands, yung may ibinubulong ako kay Nathan na kung sino man ang makakakita. Iisipin ng sino man na naghahalikan kami.

At yung kanina sa kotse at restaurant. Maganda din ang pagkakakuha, lalo na yung sa pagsubo ko ng pagkain dito.

At higit sa lahat kuhang kuha yung hinalikan ako ni nathan sa hotel.

Tama nga ang sabi ni Mr. Rodano. Magugustuhan ko ang mga kuha nyang pictures nga sa amin. Dahil hindi kitang kita ang mukha ko noong nasa labas kami lalo pa't nakashades at scarf ako.

Habang nasa restaurant naman kami. Likod ko lamang ang kita at sa harap si Nathan. Ganoon din sa hotel kung saan hinalikan nya ako.

"May bunos ka sa akin ng malaki Mr. Rodano. Ang galing ng pagkakakuha mo. Maasahan ka talaga dahil nakuha mo ang gusto ko na anggulo." Nakangiting sabi ko sayo.

"Antayin nyo lang po yung unang pinapagawa nyo sa akin. Nilalakad pa po ang mga iyon."

Tumango na lamang ako at nagpaalam na itong umalis.

Tiningnan ko ang picture ng bagong pamilya ni Alfred Perralta. Isa isa kong pinagtitinginan ang mga tao na nasa picture.

"Iisa isahin ko kayo. At magsisimula ako sayo Janna."

A/n: sorry for the short UD. Hai mukhang maraming chapters pa ang sera's revenge. Nasa 26 na pero ang story medyo mabagal. Sorry talaga guys. Hindi naman kasi pwedeng isang bagsakan every chapter.

Please vote and comment. I need atleast 20 votes please??

The next episode. Patikim na ng higanti ni Sera kay Janna. ABANGAN!

Daan po kayo pag may time sa isang story ko. The Impostor.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now