32.2

7.7K 103 5
                                    

32. 2

Yanna POV.

Gusto kong matawa sa reaction ni Jerry.mukhang hindi ito makapaniwala na pinigilan ko itong umalis. ayokong mag isa, maaalala ko lang yung mga sinabi sa akin ni Nathan kaya mas minabuti ko na lamang na pigilan ito para may makasama ako.

muli na namang bumalik sa utak ko yung sinabi ni Nathan.

Little sister? Noon pa pala ganoon na ang turing nito sa akin. ako lang pala itong tanga ang umaasa. Pero ako naman ang may mali. Sinabihan ba ako nito na:

Yanna umasa ka kasi baka mahalin kita.

Wala naman syang sinabi sa akin Na kahit ano. Yung mga sulat na lagi nitong sinasabi na mag ingat ako at kapag nakikita daw nito yung mga paborito kong pagkain bigla daw ako nitong naaalala. at sa palagian nitong pagsusulat sa akin noong mga bata pa kami.

Doon ako bumase na baka may nararamdaman sya sa akin. Tama nga. Im pathetic!

Sa bagay napakatagal na panahon iyon. Nakalimutan na nga ni Nathan ang tungkol doon.

sa totoo lang Hindi ako galit kay Nathan. Wala syang kasalanan sa katanghan ko. Basta ang focus ko sa ngayon ay ang misyon ko at higit sa lahat mas lalong gumanda ang buhay ko.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now