Chapter 19

10K 119 25
                                    

19

Yanna POV

"Ms. Monticilla tawagan mo si Mrs. Sanchez ngayon na." Utos sa akin Mr. Perralta.

Nagtaka ako. Bakit kaya pinapatawagan nya sa akin si Mrs. Sanchez? May problema ba sa board of directors?

"Sige po sir. Ano ho ang sasabihin ko?" Tanong ko dito.

"Just tell her to meet me at my office." Lumakad na ito pabalik sa office nito.

Nakikita ko sa mukha ni Sir na may ibang dahilan kung bakit nito pinapatawag si Mrs. Sanchez.

Nang matawagan ko si Mrs. Sanchez dumating ito makalipas ang isang oras.

"Good morning Maam." Nakangiting bati ko.

Ngumiti lamang ito ng tipid at pumasok na sa loob ng office.

"Yanna magdala ka ng kape dito sa loob." Utos ni Sir mula sa intercom.

Nang makapagtimpla ng kape, pumasok na ako sa loob.

"Ilang percent ang ibebenta mo?" Narinig kong tanong ni Sir.

"Hindi ko pa alam sa ngayon. Nag iisip pa ako." Sagot nito.

Nilapag ko ang kape sa harapan ng dalawa.

Nang tingnan ako ni Sir agad akong tumango. Ibig sabihin umalis na ako.

Sa totoo lang di ako mapakali. Ano ang pinag uusapan nila?

Di bale. Malalaman ko naman yun paglabas nila dahil inutusan ako nung una palang ni Ms. Sera na lagyan ng audio recorder device ang kwarto ni Mr. Perralta.

Pabalik na ako sa table ko ng di ko mapansin na may tao pala sa harapan ko.

"Tingin tingin din kapag may time." Sabi nung taong nakabangga ko.

Kahit di ko na tingnan ang taong nasa harapan ko makikilala ko na agad.

Sino pa nga ba? Walang iba kundi si Jerry Francisco

The one and only Jerry that I hated the most.

Wait di bagay ang hate lang. Super hate dapat. As in super.

Pinunasan ko ang noo na tumama sa dibdib nito at pinagpagaa ang damit kong nasagi ng katawan nito.

Mahirap na baka kung anong mikrobyo ang meron dyan at makuha ko pa. At baka mahawa din ako sa kawalang hiyaan nya.

Nakangisi lang ang loko habang nakatitig sa ginagawa ko.

"Ayaw mo ba mahawaan ng lakas ng sex appeal?" Nakangisi pa din.

Ang sarap punitin ng labi nito dahil sa ngisi nito.

NGISING ASO!!!

Ahhhh. Bwisit!!!!

Tumalikod na lang ako para iwasan, ayoko masira ang araw ko ng todo todo sa lalakeng ito. Hindi sya worth it!!

"Psst."

Walang reaksyon. Umupo na ako sa harap ng table ko.

"Pssst."

No reaction.

"Tinatawag kita." Naiinis na sabi nito habang lumalapit sa table ko.

Di ko sya tiningnan, nakatuon pa din ang atensyon ko sa monitor ng computer.

"Kung aso ang hinahanap mo pwes wala dito."

Ang walang hiya prenteng umupo pa sa gilid ng table.

"Ang aga aga mainit ang ulo mo. Dapat nga mas lalong gumanda dahil narito ako. Hindi ba?"

Lalong gumanda? What THE!! jerk talaga.

Sera's RevengeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora