Chapter 12

10.4K 132 65
                                    

May naisip ako. Haha.

Sino talaga? Nathan Or Th?

Kapag sino ang maraming boto sa dalawang iyan sya ang magwawaging leading Man ni Sera!!!

Chapter 12

Mr. Perralta POV.

nakadungaw lang ako sa bintana habang hawak hawak ang kopita ng alak na kanina ko pa iniinom.

Sa totoo lang naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon ko pero may bahagi ng puso ko na tila nag uudyok na sunggaban ang offer ng Vision.

Bukas na ang contract signing namin ng Vision.

At dahil ako ang major stock holder ng Perralta Food Inc. Hindi ko na nagawang ipaalam sa mga Won ang tungkol sa factory.

Ang factory ang ginawa kong collateral para makautang ako ng 100 million para sa pagbabago ng hacienda. Kelangan na nitong makasunod sa modernong panahon at para mas lalong produktibo at mapagkikitaan lalo na sa mga turista.

Kapag nalaman ng mga Won ang na nalulugi na ang hacienda gagawin nila ang lahat ng kapangyarihan nila para mapasakamay ang haciendang ito.

Tama na ang ginawa nilang pagtulong sa 20% na investment sa kompanya para hindi ito tuluyang bumagsak pero ang kapalit nito ay ang anak namin na si Janna.

"Dad." Tawag sa aking bagong dating.

"dito ka na naman sa library."

Ngumiti lamang ako ng tipid. "How's your trip?" Usisa ko dito.

"Masaya Dad. After namin maghanap sa manila ng gagamitin sa kasal biglang nag aya si Tita cynthia na mag paris wala daw syang makitang maganda sa manila eh." Excited na kwento nito.

" mabuti. Naeenjoy mo ang sarili mo."

"Super Dad. Kaso di sumama sa amin si nathan sayang."

"Masyadong busy ang fiancée mo Iha kaya pagtiyagaan mo na lang. Magpahinga kana alam ko na pagod ka, para pag harap mo kay Nathan bukas fresh na fresh ka." Tudyo ko pa dito.

Sumimangot ito. "Dad hindi titingin sa iba si nathan. Aba ako kaya ang pinakamaganda sa lahat." Tumalikod na ito sabay labas ng library.

Napailing na lamang ako. Kahit kelan may katigasan talaga ang ulo nyang si Janna.

Tulog na si Samantha ng pumasok ako sa kwarto. Kaya humiga na ako agad para matulog.

Palabas ako ng isang building na hindi ko alam kung saang lugar iyon ng may makabangga akong isang babae sa tantiya ko naglalaro ang edad ng babae sa late 20's. Hindi ko nakita ng mukha nya dahil tuloy tuloy pa din sya sa paglalakad. Lalabas na sana ako ng mapansin ko na may nahulog na kwintas. Pinulot ko iyon dahil malakas ang kutob ko na sa pag aari iyon ng babaeng nakabangga ko.

Nagmamadali ako bumalik sa loob ng building para hanapin ang babae dahil hindi pa iyon agaran na makakalayo.

Hindi nga ako nagkamali nakita ko itong naglalakad sa pasilyo.

"Miss.." Tawag ko dito ngunit tuloy tuloy pa din ito sa paglakad.

"Miss." Muling tawag ko pero hindi ata ako narinig ng babae dahil pumasok ito sa isang kwarto. Nanatiling nakasunod ako.

Pagpasok ko sa kwarto nakatalikod sa akin ang babae.

"Miss nahulog mo ata ang kwintas na to."

Sandaling katahimikan.

"Hindi akin iyan. Bakit hindi mo tingnan kung kanino nag mamay ari ang kwentas na yan?" may himig galit ang boses nito na syang ipinagtataka ko.

Napamaang ako. Tiningnan ko ng maigi ang kwintas. Gold ang necklace nito ngunit manipis lamang. pang babae ang naturang necklace.

"Pero miss sayo---" napatigil ako ng matitigan ko ang pendant.

Locket.

Isang locket.

Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko iyon.

May pictures sa loob.

Si Calla.

At ang sa kabila naman.

Ay AKO!!!

Paano napunta ang locket na ito dito?

Ibinigay ko iyon kay Calla.

Napaawang ang bibig ko ng biglang humarap ang babae.

"Ngayon natatandaan mo na ba kung kaninong kwintas yan?" Sabi nung babae.

Calla!!!

Si Calla ang anak ko!!

Kasabay ng pagkagulat ko nabitawan ko ang kwintas at nahulog ito sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay na dadamputin ko sana ngunit napahinto akonng makita kong maghiwalay na ang locket.

"Kasabay ng paghihiwalay ng locket na yan. Ganoon din ang relasyon ko sayo."

"Calla-" akma sana akong lalapit.

Nagbabaga ang mga mata nitong humarap sa akin.

"Kinamumuhian kita! Hanggang sa mamatay ako!"

"Alfredo gumising ka!! gising binabangungot ka." Yugyog sa akin ni Samantha 

Napabalikwas ako. Punong puno ng pawis ang buong katawan ko.

Anong klaseng panaginip iyon?

"Uminom ka muna ng tubig." Nagsalin ng tubig sa baso si Samantha mula sa pitcher na nasa bedside table at inabot sa akin.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa panaginip na iyon.

Waring may nagbabantang hindi maganda. Kelangan ko na din sigurong bisitahin sya dahil

Hindi na maaring bumalik pa ang isang patay na.

A/n. time check. 1:17 am.

Im so soooorrryyy absent si Nathan,TH at ang ating MAGANDANG bida na si Sera.

Wala pa absent pa sila kasi di pa sila pumapasok sa utak ko eh bhaha.

Ooh. Ano masasabi nyo kay Mr. Perralta?

Omen ba ang panaginip nya?

Ano?

Comment comment na!

Vote nadin if you like. :)

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon