39.1

6.2K 106 11
                                    

39

Pagmulat ko, nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama. Tulog na tulog pa din si Nathan habang nakayakap ang mga braso nito sa bewang ko. pangatlong araw ito na magkasama kami sa condo unit at nagpapasalamat ako na hindi naman ito nangulit na lumagpas sa yakap at halik.

wala kaming ibang ginawa sa loob ng tatlong araw kundi ang manood, kumain at mamasyal. Hindi na din namin pinag usapan yung maaring makakapasira ng atmosphere naming dalawa.

Ala sais na ng umaga ng tingnan ko sa bedside clock. Dahan dahang bumangon ako at nag ayos na para maligo kasama kong binitbit ang cellphone ko para icheck nadin ang mga messages at call.

May isa akong nalaman sa ugali ni Nathan. Napaka posessive nito at ang gusto nito lahat ng atensyon ay nasa kanya. Hindi ako nito pinayagan na humawak ng gadgets kapag magkasama kami.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa C.R. Ibinaba ko ang toilet cover at doon naupo. Agad kong inopen yung cellphone. Ilang araw na nakapatay din ito.

Una ko munang tinawagan si Sam dahil hindi ko ito naabisuhan kung saan ako pumunta.

"Sera!! Asaan ka naba!! Hindi na ako makapag pahinga ng maayos sa kakapangulit ni TH kung nasaan ka ba daw! Three days na akong walang ni ha ni ho na naririnig sayo ha." Bungad agad nito sa akin sa kabilang linya.

"Hindi mo din sinasagot ang tawag ko at ang tawag ng magaling mong boyfriend. Nag aalala na sya sayo. pati si Tita Nadia ako na din ang kinukulit!" Panenermon nito.

"Easy. Im okay Sam. Andito pa din naman ako sa Manila no! Kasama ko si Nathan dito sa condo na binili namin. Alam mo na tinatrabaho ko na ang isang ito." Mahinang sabi ko.

"Bakit ang hina ng boses mo?" Reklamo nito.

"Nasa banyo ako. At baka marinig ako ni Nathan kapag nagising yun."

Napasinghap ito. "Oh for the love of----!!! Nagbabahay bahayan na kayo ni Nathan?"

"I'll explain it to you kapag nagkita na tayo. Ano ang sinabi mo kay TH?"

"Sinabi ko na lang na may nakita kang magandang bahay na tabing dagat sa Bataan at interesado ka doon sa property kaya binisita mo. Mukhang gusto ka pa ngang sundan eh ang sabi ko hindi ko alam ang exact place. Bahala kana mag explain kung bakit di ka macontact."

nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito. maganda nadin papaano ang sinabi nito kay TH bilang pagtatakip sa akin. Maasahan talaga si Sam. Sa sampung taon na samahan naming tatlo alam na talaga nito kung paano ako pagtakpan kay TH.

"Thanks Sam. Tatawag nalang ako ulit." Paalam ko bago pinutol ang tawag.

Ang sunod na tinawagan ko ay si TH.

"Im so---."

"Sera where are you? Ive been trying to reach you. Okay ka lang ba? Nag aalala ako sayo dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko pati na din ng mommy mo at ang magaling mong kaibigan na si Sam." Bungad agad nito.

"Im sorry Hon. Nag aya kasi yung mag asawang may ari noong beach house na itour nila ako sa kalapit na isla. nasa dagat na kami ng mahulog yung phone ko. Bumili ako ulit ng panibago tapos pinaretrieve ko ulit yung number ko pero natagalan pa bago ko nagamit." A lame excuse a very lame excuse. Pero ipinagdadasal ko na sana kagatin nito. wala na akong ibang maisip na pwedeng idahilan dito.

Di ko naman pwedeng sabihin na ninakaw yung phone dahil mahihirapan akong magpalit ng number kapag nagkataon.

"Pwede ka naman makitawag sa iba diba?" May bahid na inis akong narinig sa sinabi nito.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now