40.

6.1K 115 47
                                    

40

"Okay naba to for one week?" Tanong ni Nathan sa akin. Ang tinutukoy nito ay ang mga grocery na nasa cart.

"Oo. Last stop nalang natin yung noodles section." Magkasabay na naglakad kami papunta sa noodles section.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinitingnan ito na tulak tulak nito ang push cart. Hindi ko din maiwasan na hindi makaramdam ng pagmamalaki na kasama ito dahil karamihan ng mga babae ay napapatingin dito.

Napakagwapo naman talaga kasi ni Nathan.

"Gusto ko yung ginawa mong pasta last time. Gagawin mo pa din ba iyon?" Tanong nito.

"Gusto mo ba?" Tanong ko habang pumipili ng pasta noodles. Napalingon ako ng hindi ito sumagot. Wala na ito sa likod ko.

Nasaan na ang lalakeng iyon?

Hinanap ko ito sa bawat section ng supermarket. Ang bilis naman mawala ng isang iyon.

"Nandyan ka lang pala!" Sabi ko dito ng makita ko itong nakatayo sa may wine section at nakatigin sa mga wine na nakadisplay.

Lumingon ito. "Sorry bigla ko naalala na wala ka ng wine sa condo."

Pareho na kaming nakatingin sa mga wine na nakadisplay.

"Masarap ang isang ito." Kinuha ko yung wine.

"Sige kunin na natin." Inabot nito yung wine na hawak ko. "Ako lang ang iinom nito."

Napakunot noo ako. Sya lang ang iinom?

"Why?" Nakasimangot na tanong ko. Ang sarap kaya ipartner ng wine na yan para sa steak na lulutuin ko.

Lumapit ang mukha nito sa akin at sabay pisil ng ilong ko.

"Hindi pwede kay baby." Nilagay na na nito yung wine sa cart.

Napasimangot talaga ako. "Paano mo naman nalaman na di pwede? Di pa nga ako nakakapunta ng OB eh." Nakalabing sabi ko.

"Nagsearch ako sa net kanina bago umalis kung ano ang bawal sa mga buntis. At isa pang bawal sayo ay yung kape. Napakahilig mo pa naman doon."

Pinagcross ko yung mga braso ko. "Kung hindi ako iinom dapat hindi ka din iinom. Di ako papayag na ako lang naghihirap!"

Napahalakhak ito. "Ikaw na."

Di ako sumagot. Dinampot ko yung wine sa cart at ibinalik sa shelve. Nauna na akong umalis para lumipat ng ibang section.

"Wag mo sasabihin na papainumin mo din ako nyan?" Nanlalaki mga mata nitong tanong sa akin.

"Why not? Para fair kay baby, sa akin at sa daddy nya diba?" Sabi ko sabay wink.

Kumuha ako ng nakalata na gatas.

"Maganda to sa katawan."

"Serena. Hindi ako umiinom nyan. Para sa nyo nalang ni baby yan."

Pinalungkot ko yung mukha ko. "Ganyan kaba talaga?" Hinaplos ko yung tyan ko. "Baby tingnan mo si Daddy mo napakselfish!"

Napabuntonghininga ito sabay kuha sa akin ng gatas at nilagay sa cart. "Ito na."

Niyakap ko yung braso nito. "Hindi ka naman galit nyan?"

"Hindi ako galit. Titiisin ko nalang para sayo tsaka kay baby."

Napangiti ako. Hindi ko napagilan yung sarili ko na mapatiptoe at halikan ito sa labi.

TH POV

Nasa supermarket ako para bumili ng ingredients na lulutuin ko para kay Sera. Hindi sana ako makakauwi ngayong araw sa Manila pero dahil maagang natapos yung paglilipat ng properties na nabili ng vision.

Sinabi ko kay Sera na baka makauwi ako pero pinatayan ako agad ng telepono. tinawagan ko ito ng ilang beses pero hindi ko na ito macontact kaya aantayin ko nalang ito sa hotel kung kelan ito babalik. gusto ko muna syang makasama kahit sandali bago ako bumalik ng amerika.

"Anong pasta ang lulutuin mo?" Biglang tanong sa akin sa may likuran ko.

Lumingon ako. Ito na naman ang babaeng ito. Ilang araw na akong hindi tinatantanan ng babaeng ito. Hanggang dito ba naman sa manila nakasunod pa din?

"Anong ginagawa mo dito?" May pagkairita na sa boses ko. Wala na akong privacy na matatawag dahil sa babaeng ito. Dinaig pa nito ang PSG!

Ngumiti pa ito ng matamis. "Sinusundan ka syempre."

"Please tumigil kana. Hindi ako natutuwa sa mga pinanggagawa mo. Pwede kitang kasuhan dyan sa ginagawa mong pagsunod sunod sa akin." Banta ko dito.

"Kasuhan mo kung gusto mo! Hindi ako titigil hanggat di ko---" napahinto ito sa pagsasalita ng tumalikod ako dahil nahagip ng tingin ko si Sera sa likod nito. Iba ang ayos nito.

Lumakad ako at nilagpasan yung babae.

"Saan ka pupunta!! Hoy di pa ako tapos magsalita THomas!"

Pero hindi ko pa din ito pinansin. Sinundan ko kung saan papunta si Sera. Bakit ganoon yung suot nya? Hindi ko pa nakikita si Sera na magsuot ng mga ganoong damit. Lagi kasi itong nakaayos at mga damit nito ay puro mga designers clothes talaga. Pero sa nakikita ko naka jeans lamang ito at nakatshirt ang buhok naman nito ay nakawavy at nakawag-wag.

Nasa kanang side sya habang ako naman ay sa kaliwa. Huminto ito sa milk section at kumuha ng nakalatang gatas.

Napakuyom yung kamao ko ng makita ko si nathan na sumunod dito. Hindi ko gaanong marinig ang pinag uusuapan nila dahil may kalayuan ako sa kanila.

Tila mauubusan na ng dugo yung kamao ko sa tindi ng pagkakakuyom ko ng makita kong nagtiptoe si Sera at hinalikan nito si Nathan. Niyakap naman ng lalake si Sera at naghalikan ang dalawa na tila walang pakialam sa mundo kahit marami ng nakakapansin sa mga ito.

Masakit!

Ayokong sumbatan si Sera. Hahayaan ko na ito ang magpaliwang. Alam ko na may dahilan ang ginagawa nito dahil ako ang mahal nya at ikakasal na kami. Pumayag na sya sa proposal ko. Yun na lamang ang iniisip ko na kaibahan namin ni nathan.

"Sera." Yung lang ang tanging nasabi ko.

"Sera? Hindi ba't si Serena yan?yung kahalikan Nathan." sabat naman ng nasa likod ko. Si Ina nakasunod pala sa akin.

"Nathan?Kilala mo sya?"

Tumango ito. "Pinsan ko si Nathan. Wait bakit mo tinawag syang Sera? Kilala mo yung babae ni nathan?"

Babae? Nakaramdam na naman ako ng galit! Hindi ako sumagot.

pinaglipat lipat nito ang tingin sa akin at kay Sera tapos biglang napapitik ito sa hangin.

"Oh!! My God!! Sera Portman! kaya mo sya tinawag dahil sya yung may ari ng vision diba? At ikaw naman ay nagtatrabaho din sa vision. Kaya ka pinaiimbestigahan nila Nathan!"

Hindi ko pa din ito pinapansin. Bahala itong mag isip ng kung ano.

Napahawak ito sa sentido. "Kung ganoon nagpapanggap lang syang si Serena? Bakit?"

Humarap ako dito. "Nagkakamali ka. Hindi sya si Sera. Namalikmata lang ako." Tumalikod na ako.

Sinundan ako nito at hinarang. "Nagsisinungaling ka. Nakita ko kanina ang sakit sa mga mata mo habang nakatingin sa kanila."

"Will you please shut up!!!" May kataasan na yung boses ko. Gusto kong mapag isa. "Wala kang alam at wag ka ng maki-alam!"

Tila nasaktan ito dahil namutla ito habang nakatitig sa akin.

"Im sorry." Nagmamadali na akong umalis.

A/n: anong masasabi nyo sa chapter na to? Hahaha. TH team?

Sa mga Nathan team dyan itaas ang mga kamay at iwagayway!! Hahah. Lol.

Bagay ba si Ina at TH? Haha.

Anong mangyayari? Malalaman na kaya ni Ina kung sino ba talaga si Sera? Abangan.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon