22

9.9K 128 32
                                    

22

It feel so good kapag umuusad na ang plano mo. Its more good kapag alam mo na kaya mo palang gawin ang nga bagay na di mgagawa agad ng iba.

10% of shares na nasa pangalan ko. Im becoming greedier simula ng mapasaakin ang share na yun.

Yes. GREEDY of power in Perralta food Inc.. And more greedy na mapasaakin ang lahat lahat ng ari arian nila.

At ngayon kelangan ko makuha ang lahat ng shares ng ibang board. Naipasa na sa akin ng P.Investigator ang lahat ng report tungkol sa buhay buhay ng mga board.

"Yanna, yung ipinasa mo sa aking report something missing on it."

Tumawag ako dito dahil ng tingnan ko ang report na ibinigay nito sa akin at kulang ng 5% ang kabuuan ng share.

Kung si Alfred ay 45%,

Won - 20%

Vasquez - 10%

Lacsamana - 10%

At nasa akin ng ang 10% of share.

May kulang na 5% at iyon ang wala sa report ni Yanna. Sino ang may ari ng 5%?

"Sino yung may ari ng 5% na natitira?"

"Ms. Sera yan po ang wala dito sa files ko eh. Tanging si Sir Alfred lang or si Mr. Won ang nakakaalam nyon kahit po mga board walang alam eh. Di kasi sumisipot sa kahit anong meeting yung may ari."

"Sige. Wag ka munang gagawa ng kahit ano okay? Baka makahalata na yang boss mo kapag nagkataon."

Pinutol ko na ang tawag. Sino sa dalawa ang may alam? Sa ngayon di ko pa pwede makaharap si Alfred. Tanging si Nathan lamang ang paraan ko sa ngayon.

Napahilot ako sa sentido. May bago akong problema.

Hapon ang flight ko papuntang Japan kaya naisipan ko na dumaan sa Boutique ni Samatha. Pagdating ko pinatay ko muna ang makina ng sasakyan at nanatili lamang sa loob ng sasakyan.

May kalakihan ang boutique at talagang branded ang mga binibenta.

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ng biglang lumabas si Samanta sa boutique at may kainausap itong tao. Nakaharap ito sa sasakyan ko.

Sa loob ng sampung taon naroon pa rin ang ganda nito ngunit makamandag at ang aura nitong tila kaiilagan ng lahat. Isa ako sa nakatikim ng matinding kamandag nito.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. Kung noon ako ang nakatikim ng matinding kamandag ng ugali nito ngayon ako na naman ang magpapatikim sa kanya.

Muli kong tiningnan ang boutique bago umalis. Pagkatapos ng mission ko sa pagkuha ng shares ng kompanya nito. Ang boutique na ito ang isusunod ko.

Japan.

Dumiretso na ako sa hotel na pinareserve sa akin ni TH.

Nakatingin lang ako sa bintana, nag iisip ng susunod na plano ng may biglang yumakap sa likod ko.

That scent.

It feels like I'm secured again.

"I miss you." Bulong nito sa tainga ko.

Napangiti ako at humarap dito. "I miss you more. How's the convention?" Ang dalawang kamay nito ay nasa bewang ko.

"Okay naman. Nag antay kaba ng matagal?"

"Di naman. So what's the plan?"

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok ko na natatangal mula sa pagkakapusod. "Okay lang ba sayo laging hapon na lumabas? Hapon na kasi matatapos yung convention tapos 3 days pa." Nakasimangot na sabi nito.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now