34

7.4K 145 55
                                    

34

Sera POV.

Kanina pa ako paiba iba ng posisyon sa pagkakahiga. Hindi ako makatulog.

Hindi ako makatulog sa kakaisip doon sa hinihingi kong three months kay TH. Hindi kaya nabibigla lang ako?

Natakot ako ng biglang akong talikuran ni TH kanina. Hindi nito gawain na talikuran ako. Nasanay ako na lagi itong nakikinig sa akin at handang magpasensya o umunawa. Pero kanina. Ibang TH ang nakita ko.

Nang umalis ito sa suite ko. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gagawin ko. Lalambingin ko ba ito at sasabihing mag antay pa sya ng konting panahon o hiwalayan ito?

Pero kapag naiisip ko na hiwalayan si TH natatakot ako dahil lagi itong nasa tabi ko. Kaya paninindigan ko na lamang ang desisyon ko.

Three months.

Three months. Napaka-ikling panahon iyon para sa akin para sa paghihiganti ko.

Alam ko na hindi ko agad matatapos ito ng basta basta kaya kahit na kasal na kami ni TH hindi pa din ako titigil.

~~~~~Nathan Calling~~~~~~~

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. Ilang araw ko na itong iniiwasan simula ng tumawag ito sa akin at sinabi ko dito na alam ko na ang tungkol sa engagement dahil nagpunta ako sa Puerto.

Kasinungalingan lamang iyon para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon nito. at hindi nga ako nag kamali ng pakiramdam na kumakagat na si Nathan sa mga plano ko.

Wala itong tigil sa kakatawag at kakatext pero hindi ko ito pinapansin dahil isa iyon sa mga plano ko na kunyari akong nasasaktan at umiiiwas na dahil engaged na ito.

Nag antay muna ako ng pangatlong tawag nito bago ko iyon sinagot.

"Where are you?" Halata sa boses nito na nagpipigil ito ng galit.

Isa pa naman sa ayaw nito na ang matagal na pagsagot ng tawag. Ayaw nito sa lahat ang pinaghihintay

"Why?" Mahinang tanong ko.

Narinig ko na bumuntong hininga muna ito sa kabilang Linya. "Look Serena can we talk? Mag i-explain ako."

"No need Nathan. Wala na tayong dapat pag usapan dahil simula pa lang ginusto na nating dalawa na walang commitment diba? Just a fling or whatever they called it." Pinutol ko na ang tawag.

May araw na haharapin ko ito para sa susunod na plano ko.

_______________________________________

"Hi Tita." Bati ko kay Tita Neri at hinalikan ito sa pisngi. Naabutan ko itong nagdidilig ng mga orchids nito.

Nasa bahay ako ngayon ni Tita Neri sa Manila. Inimbitahan ako nito na mag lunch sa bahay nito dahil wala itong kasama. Nasa Out of town ang asawa nito para sa bagong business na itatayo.

ngumiti ito sa akin at tinitigan ako.

"Tita?" Tawag ko dito. Dahil medyo naiilang na ako sa tagal ng pagkakatitig nito sa akin.

Natauhan naman ito. "Oh. Sorry iha. You remind me of someone."

Napabangon nito ang kuryusidad ko. "Really? Sino tita? Baka nawawalang kakambal ko na yan ha?" Pagbibiro ko pa sabay tawa.

"Nah. My bestfriend." Seryosong pagkakasabi pa nito.

Bestfriend? Alam ko hindi taga Puerto princesa si tita Neri. Sa Pagkakakwento nito sa hongkong ito nakatira at doon nito nakilala si Mr. Lacsamana.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now