44. PART 1

101 5 2
                                    


Nasa Supermarket ako para bumili ng supplies ko sa tinutuluyan namin na hotel ni TH. Hindi muna ako umuuwi sa condo na kinuha ko dito sa Manila dahil ilang beses na pabalik balik si Nathan doon. Iniiwasan ko ito dahil lately masyado na itong vocal na may mangyari sa amin kaya samo't saring alibi ang sinasabi ko.


Hindi ko maiwasang mapangiti ng matanggap ko yung balita na kumagat si Samantha sa bitag ko. Muli itong umutang sa kaibigan nitong si Anita at ginawa nyang collateral ang haciendang nakapangalan dito.


At ngayon tatlong titulo na ang nasa akin. 


Una ang Factory, pangalawa ang lupang nasa dulo ng hacienda at ang panghuli ang mismong hacienda na ng mga See. 


Idagdag pa ang 10% shahers ko sa Perralta Inc.


Tiyak na mababawasan ang 45% shares ni Alfred sa kalaunan kapag nalaman into na naipit ang hacienda.


Napahinto ako sa pag iisip nung maramdaman ko na may humihila ng damit ko sa likod. Lumingon ako at nabungaran ko ang isang batanng lalake na sa tingin ko naglalaro ang edad mula 3-4 years old.


"Mommy, Mommy!" tawag nito habang hinihila pa din ang damit ko.


"Hi. Are you lost?" Tanong ko dito. Yumuko ako para mapantayan ko yung height nito. " Nasaan ang kasama mo?"


Umiling ito. "Are you my mommy?"


Napangiti ako sa tanong nito. "No. What's your name darling?" usisa ko.


"Andy. I saw you sa wallet ni Daddy." saad pa nito.


"Andy! Nandito ka lang pala. Kinabahan ako sayong bata ka!" Sabi nung babaeng dumating na puno ng pag aalala sa mukha nito.


Bumaling ito sa akin. "Miss pasensya na. Mauuna na kami."


"No Worries. Bye Andy!" Nag wave pa ako kay Andy bago ito lumabas kasama nung babae.


Ang cute nya. Siguro kung mag kakaanak kami ni TH baka ganito din ka cute. Hindi ko maiwasn na mapangiti sa naisip ko.


___________


Pag dating ko sa Suite naabutan ko si TH na may kausap sa cellphone nito.


"Leave me alone! Pinagbigyan na kita ng isang beses." may bahid ng galit na pagkakasabi nito sabay patay sa cellphone nito. Napahilot ito sa sentido nito.


"SIno kausap mo Hon?" Binaba ko yung mga pinamili ko sa mesa at lumapit dito.


"Well, some parasite. Don't mind them." sagot nito.


Umupo ako sa tabi nito at minasahe yung sentido nito. Bakas sa mukha nito yung stressed at visible nadin yung stubbles nito na sa may chin are nito. Bihira ko lamang makita si TH na ganito or mas tamang sabihin hindi pinapakita ni TH sa akin ang side nyang ganito.


"Work?" usisa ko.


Hinila ako nito para mapa-upo sa lap nito at hinalikan ako nito sa labi. Gumanti ako ng halik dito mas malalim hanggang sa bumaba ang mga halik nito sa panga ko, sa leeg hanggang sa may balikat.


Napapikit ako nung maramdaman ko yung mga kamay nito sa tiyan ko nagsisimulang paakyat hanggang sa may dibdib ko. Hindi ko maiwasan na mapaungol.


"TH-" bulong ko.


Mas lalo lamng nitong nilaliman yung pag halik sa akin. Yung mga kamay ko ay nasa long sleeve na nito at sinisimula na din tanggalin yung pagkakabutones.


"Let's take a shower." bulong ko sa tainga nito habang hinahalikan ako nito sa leeg. Tumayo ito habang karga ako at patuloy pa din akong hinahalikan sa labi. Hindi kami mapaghiwalay habang patungo sa CR, mabilis yung mga kamay ko na tinatanggal yung sinturon nito. Habang ito ay tinutulungan din akong tanggalin yung damit ko.


Click—


"Sera are you there?" Tinig ng babae


Napahinto kami ni TH at sabay na napatingin sa pintuan.


"Mommy Nadia!"



A/N: Sorry sa lahat po na naghintay sa update ng Sera's Revenge. Ngayon ko lang po tuluyang naretrieved yung account ko sa wattpad.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon