Chapter 14

10.4K 119 7
                                    

14

Ibinaba ko na yung telepono ng matapos kung kausapin si Yanna. Narito na ako ngayon sa Manila at mag iisang linggo na din. Sa dami na kelangan kong asikasuhin dahil may bago kaming nabiling kompanya na papalugi na.

Si TH naman ay patuloy pa din ang negosasyon kay Mr. Perralta pero hawak na namin ang factory bilang collateral at on the spot na sa kanya na ang isang daang milyong piso.

Di pa panahon para magkaharap kami ng ama ko dahil hindi ko pa nakukuha ang gusto kong makuha.

Pero sa totoo lang nababahala ako ng konti dahil mabagal ang pag usad ng misyon ko pagdating kay Nathan.

Mula ng umalis kami ni Nathan ng Elnido hanggang cellphone lang at net ang komunikasyon namin.

Nang makarinig ako ng katok agad na tumayo na ako.

Nandito na ang taong inaantay ko.

"Good morning Ma'am." Bati sa akin ni Leo. Isa ito sa mga matagal ng empleyado ng Vision na nakabase sa Australia.

"Good morning. Come in." Aya ko dito. Nang makapasok na ito at makaupo ay di na ako nagpaligoy ligoy pa.

"I have a mission for you. Gusto ko pumunta ka sa Hacienda ng mga See at bilhin mo ang napapabalitang ibinibenta na kabilang bahagi ng lupa." Utos ko dito sabay abot ng folder.

"Pag aralan mo yang folder na yan. At hulihin mo ang kiliti ni Alfred Perralta." Patuloy ko pa.

Binuklat buklat nito ang folder.

"Kelan ko sisimulan?" Tanong nito.

Napangiti ako ng maluwag.

"Ayan ang gusto ko sayo. Kung kelan napag aralan mo na ang lahat na yan bago ka magsimula. And i want to remind you na marami kang makakalaban dito so beware." Paalala ko pa.

Yun kanina ang tinawag ni Yanna sa akin. Ibebenta na daw ng tuluyan ng asawa ni Alfred ang bahagi ng lupa dahil hindi na daw ito gaanong mapapakinabangan.

Di gaanong mapapakinabangan or should I say na pagkakataon na nilang ibenta para pambawas utang at tuluyan ng maglaho ang bangungot na dinala nila sa lupang iyon.

"how about the price?"

"Kung pwede ka tumawad gawin mo. Pero kung may makakalaban ka at tinaasan ang presyo dagdagan mo. Alam ko madiskarte ka dyan basta makuha lang natin ang lupa pero kung mahirap na ang situation, you know what to do and I will tell you the history." *evil smirk*

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now