Chapter 4

15.4K 196 10
                                    

4

"Anong nangyari sa dinner kagabi?" Tanong ko ng pumasok sa suite ko si TH.

"Medyo mahirap kausapin si Mr. Perralta. Kaya magtatagal pa tayo dito. Tinatanong ka nga kagabi sinabi ko na busy ka at ako na muna ang haharap sa kanya."

Inangat ko ang paningin mula sa binabasa at hinarap sya.

"Mahihirapan nga tayo nyan. Gawin mo lang ang dapat gawin habang ako sa mga Won. Iba ang kutob ko eh lalo na ng malaman ko na ikakasal si Janna kay Won." sabi ko.

Simula ng sabihin sa akin na ikakasal na si Janna iba ang kutob ko noon pa dahil nga sa estado ng mga Won. At bakit kelangan pa ng mga See ang Vision? Kaya dapat mas lalo akong maingat. kahit na sa akin na ang pagkakataon na ito.

At ang mas lalo pang nagpapagulo sa isip ko. Asan na si Lemuel? Bakit hindi ito ang papakasalan ni Janna? Ang tanging alam ko lang na sinabi ng source ko sila pa din dalawa nakaraang taon.

"Nasaan naba ang source natin? May sasabihin ako sa kanya." Tanong ko kay TH.

"Nasa labas. Tatawagin ko sandali." Lumabas na ng office si TH at pagbalik nito dala dala na nito ang tao namin sa loob ng Hacienda See.

"Yanna, magagawan mo ba ng paraan para malaman ko kung ano ang schedule ngayon ni Mr.Won?" Tanong ko.

Si Yanna Monticilla ang secretary ni Mr.Perralta ang tauhan ko sa loob.

Ang galing hindi ba?

Agad napatingin sa akin si TH. Sa nagtatakang tingin.

"Kapag nagtanong sayo si Mr. Peralta. Alam mo na agad ang isasagot mo ah?" Paalala ko dito.

Tumango lang ito bago lumabas sa suite.

"Bakit mo tinatanong yung kay Mr.Won?" Kunot noong tanong nito.

Parang di nito nagustuhan na inalam ko ang schedule ni Mr.Won.

"Maganda na kaibiganin ko na si Mr.Won bago pa nya malaman na isa ako sa pinili na mag iinvest sa hacienda ng mga See." Sagot ko.

Mas lalo pa kumunot ang noo nito.

"Hindi ko gusto ang idea na makikipaglapit ka kay Nathan Won. Sigurado kaba na baka may intensyon din sya sa hacienda kaya ka nakikipaglapit o may iba pang dahilan?" Usisa nito at tinitigan ako ng mataman.

Napatigil ako. Nababasa ba ni TH ang iniisip ko?

no!! ayoko na malaman nya na may iba pa akong dahilan sa pakikipaglapit ko kay Nathan Won.

"Kilala mo ako TH. inaalam ko ang bawat detalye bago ako lalaban. At ayoko na sumugod agad tapos makakalaban ko pala ang mga Won." Iwas na sagot ko.

Tinitigan lang ako nito na tila inaanalisa kung nagsasabi ba ako ng totoo.

Nang mag ring ang cellphone nito ay agad itong lumabas para sagutin bago ako nakahinga ng maluwag.

"Ms.Sera mamayang 4 Pm nasa coffee shop po sya. Pag aari po yan ni Ms.Ina Enrique." Imporma ni Yanna sa kabilang linya ng cellphone. Saktong paglabas ni Th ay tumawag naman ito. Mabilis magtrabaho si Yanna. Tama talaga ang pagpili ko sa kanya.

"Okay thankyou. Mag iingat ka sa bawat galaw mo Yanna." paalala ko dito.

"Yes Ms. Sorry po ulit kanina hindi ko po talaga kasi kayo kilala sa mukha. Sa pangalan lang po talaga." Paumanhin ulit nito sa nangyari nung sa airport.

"Ay Miss. Kung may balak kayo kaibiganin si Nathan Won hindi po basta basta yun. Unahin nyo po munang kaibiganin si Ina." Pahabol pa nito.

"Okay thanks. Maasahan ka talaga. Basta alamin mo kung may kakaiba sa galaw ni Mr.Perralta." Utos ko bago pinutol ang tawag.

Sera's RevengeWhere stories live. Discover now