Chapter 52

14.5K 408 83
                                    

“Julieta?” Ganoon nalang talaga ang panlalaki ng mga mata ni Rome nang makita ako. Nakaka-hurt naman ang lalaking ito. “Anong ginagawa mo dito?”

“Ito naman para namang wala tayong pinagsamahan.” Akmang papasok ako kaso madali niya namang naharang ang katawan. “’Di pwedeng pumasok?”

“What do you want?”

“I need a room. Hindi kasi kami kasya sa kwarto nila Kim at Maria. Saka walang vacant room para sa akin.” I made a face. “Wala kasi ang pangalan ko sa listahan ng mga dadalo sa reunion. Ewan ko kung bakit.”

“Wala ang pangalan mo?”

I nodded. “Kaya naisip ko na kung pwede share na lang tayo.” Sumilip ako sa likod. “Mukha namang malaki-laki ang kwarto mo. Kahit na sa sofa nalang ako. Ikaw lang kasi ang close ko maliban kina Kim at Maria. Maliban nalang kong tatanggapin ako nila Ethan at Kai.”

“Are you crazy?! Bakit ka makiki-share sa dalawang iyun? Try Janna, Sasha, or Stella.”

“Eh paano ko naman gagawin iyun e ‘di pa yata sila dumadating?!”

“We can’t share a room.”

“Bakit? E natutulog naman tayo sa iisang kwarto noon. Diba nga sabi sa golden rule ng Sushi Twins na Forget the Present.

“Still, ‘di parin ako papayag na dito ka sa kwarto ko. Bumalik ka nalang sa kwarto nila Kim at Maria.” Iyun lang ang pinagsarhan na ako ng pinto.

“Aish! Wala ka talagang puso Rome.”

“Julie?”

Lumingon ako. “Paris?!” Humay! Si Paris. “Ikaw nga ba iyan?” Bakit lalong gumwapo ang isang ito. Paki-explain minsan Lord.

“You look beautiful Julie.”

“Thanks, ikaw din nag-level up. You know… from pokemon, to legendary pokemon.”

Natawa lang tuloy siya sa sinabi ko. “Wait, a-anong ginagawa mo sa labas?”

“Ahm, medyo outsider ang drama ko ngayon kaya naghahanap ako ng pwede kong ka-share na room. E ikaw, kakarating mo lang ba?”

“That’s bad… yeah, medyo na late kasi ako sa call time kanina. Na delayed kasi ang flight ko from England.”

“Wow? England? Anong ginawa mo doon?”

“Model ako ng isang clothing line doon.”

“Wow! That’s good.”

Bakit feeling ko mukha akong tanga sa mga reply ko sa kanya?

“But anyway, you said you needed a room.”

“Oo, may alam ka?”

“You can share with me… you take the bed ako nalang sa sofa.”

“Wow! That’s greeee- woah!” Napatili ako nang bigla nalang may humatak sa akin mula sa likod. Nagulat talaga ako nang ipasok ako ni Rome sa kwarto niya. Napakurap-kurap ako sa sobrang shock. Anyaree?

“No thanks!” Pagkasabi nun ni Rome ay pabagsak na isinirado na niya ang pinto.

“A-Anong ginagawa ko sa kwarto mo?”

“You’re staying here.”

“Akala ko ba ‘di ako pwede dito?”

“Sa sofa ka lang,” deadma lang sa sinabi ko?

“Baliw ka! Ang ganda ng offer ni Paris sa akin tapos sa sofa mo lang ako patutulugin?”

He held a sigh, “Fine! Sa kama ka na.” Tinalikuran na niya ako at pumasok na siya sa banyo. Ako naman itong mukhang eng-eng na napapangiti. Bakit kinikilig ako sa eksena na iyun kanina? Eyyy!

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon