Chapter 19

14.1K 263 22
                                    

"Julieeee!"

"Sunog?!" Napabalikwas ako ng bangon. "Na saan ang sunog?!"

"Tangi!" Binatukan ako ni Kim. "Walang sunog!"

"Eh ikaw pala ang baliw eh!" Binatukan ko rin siya "Kung makasigaw ka parang may sunog. Pwede ba hinaan mo nga ng konti iyang pagtitili mo. Inistorbo mo pa ako sa pagtulog ko."

"Julie, one. Kim, zero."

"Shut up Maria!"

"Ano bang kailangan ninyong dalawa sa akin ha?!"

"Well, like I was saying –"

"Wala ka pa namang sinasabi Kim ah."

"Naman Maria, ha? Magsasalita pa nga ako diba?"

"Patawad, maari mo ng ipagpatuloy."

Ano ba naman itong dalawa na ito. "Ano bang kailangan ninyo sa akin?"

"May new students tayo!" Tili bigla ni Kim. "At sabi nila boy daw na super hot! Yeah boy! Aye! Aye! 'Cause I was like baby, baby."

"Oooohhh..."

"Baby, baby."

"Oooohhh..."

"TAHIMIK!" Suskopo! Ano na naman kaya ang nakain ng dalawang ito! Nahihindik ako sa mga pag – Ooooh ni Maria. "Pwede ba wala akong interes sa mga bagong tsikens na iyan."

"Peru sabi ng mga ka friendships ko fafanez daw."

"Kung fatayin kaya kita diyan?"

"Huwag naman friendship! Alam mo namang lub ko pa ang life itech."

"Nandito na ang mga new students!"

Tumili na naman si Kim. "Julie! Julie! Nandito  na sila! Oh my Gosh –" Pinasakan ko ng papel ang bibig niya.  "Tumahimik ka sabi eh."

Peru mukhang ako tuloy ang natahimik. Teka, si Rome ba iyang nakikita ko? Takte bakit naka pambabae siyang uniform? Anyare? Nilapitan ko siya. "Rome anong nangyari sayo?"

"Ahm, excuse me, peru hindi ako si Rome." What's with the OA hands Rome? Nakakadiri naman ang isang ito. "I'm Rowena. Rowena Izabella Montecarlo." At ang boses niya parang ipis.

"A-Anong nangyari sayo? Bakit naging girlaloo ka?"

"Nagising lang ako isang umaga feel ko sereyna ako!" He flipped his super habang hair. "Do you like my hair?"

"Nice, mukhang magaan sa feeling." Napapangiwi pa ako doon. Nausog ba ang isang ito at biglang nag-transform?

"You guessed it right sistar!" Yumakap pa siya sa akin at nakipag-beso-beso. "Rejoice lang iyan and well, look at you? You look like... what's the word?"

"Joray-joray sister!"        

Biglang nag-appear plus pose si Ethan. Huwaat? Pati siya nausog?

"Thanks sister. You look joray-joray Julie. Hindi ka ba nahulog sa imbornal?"

"Ethan?!"

"Excuse me?!" Pagtataray ni Ethan sa akin. "Wala kang manners, chaka ka. I'm Ethica, full name Princess Ethica Yuyo." Humaygad anong nangyayari? Naloloka na ako!

"Ikaw din girlaloo?"

"Tama!" Flipped ng hair, biglang kindat. "Nagbagong buhay na ako. I'm a play girl na. Selfie!" Itinaas ang phone biglang pose. "Like!"

"Naka drugs ba kayo?"

"Of course not sister! Masisira ang beauty itech. Double selfie." Sila naman ang nag-pose nila Ethan. Grabeh, wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon