Chapter 1

36.3K 701 93
                                    

"Oops, Julieta," I made a face. Kilalang-kilala ko na yang boses na iyan. Umagang-umaga binu-buwesit na ako. Rome Montague! My ever sworn enemy. Nilingon ko siya. "BAKIT?!"

"Pakipulot nga iyang basura sa harap mo." Tinignan ko muna kung meron talaga kasi baka maloko na naman ako ng kumag na ito. Na favorite na niyang gawin sa akin.

"Kunin mo kaya," pagtataray ko sa kanya. "Huwag ka ngang feeling hari diyan." I put my hands on my waist. "Hindi porket president ka lang naman ng student council ay may power ka ng utus-utusan ako." Tiyaka ko siya tinalikuran. Anong tingin niya sa akin chimay? Excuse me masyado akong maganda para maging maid niya.

"Sir!" Napahinto naman ako sa paglalakad. "Bakit Rome?" Teka parang pamilyar sa akin ang boses ng sir na iyan ah? Pagkatingin ko ay - takte! Si sir Arnaldo pala. Napalunok tuloy ako ng 'di oras. Takot ko lang talaga sa kanya. Asar talaga ang Rome na iyan eh!

"Itatanong ko lang po kung ano ang magiging parusa sa kung sino mang student ang hindi sumusunod sa utos ng isang CAT officer?"

"Bakit sino bang estudyante ang hindi sumunod sayo Rome?"

I need to save my life! Kailangan ko talagang pulutin iyung epal na basura. Kaya slowly but surely na binalikan ko ang basura ng patalikod.... malapit na... slowly... ayan na... got eh?

"Oh Julie anong ginagawa mo diyan?"

"Ah, eh?" Nakangiting pinulot ko iyung basura at itinaas iyun. "Kasi po pinupulot ko po itong basura na nakakalat. Alam ninyo na nakakasira sa beauty ng school." Pasimple ko namang pinandilatan ng mata si Rome. "Nature lover he-he." Patay ka sa akin mamaya.

"Very Good! Ganyan nga Julie. Keep it up"

"Of course! Malay natin maging basurera ako in the future."

"Eh?" Yikes! Ano ba itong pinagsasabi ko. Peru mukhang hindi naman iyun pinagtuonan ng pansin ni sir Arnaldo. "Teka, sinong estudyante ba iyang tinutukoy mo Rome kanina?"

Ngumiti lang ang loko, "Oh nothing sir, na itanong ko lang naman."

"Okay, pumasok na kayo sa klase ninyo"

Ang sarap talagang gilitan ng leeg ng lalaking ito! Makita mo, makakaganti din ako sayo. Hindi mo ba alam na masarap ang paghihiganti? Ha! Nauna na nga ako sa kanya. Ipinasok ko nalang yung basura sa bag ko. Eww!

"Julieta!" Bahala ka hindi talaga kita lilingunin."Ang ganda mo ngayon ah." Nilingon ko siya at tinaasan lang ng kilay. Fine, 'di ko matiis na lingunin siya.

"Inggit ka?"

"Hindi, ang totoo niyan nagtataka nga ako kung paano ka gumanda ngayon e sa pagkakaalam ko ay pangit ka naman kahapon?" Naikuyom ko ang mga kamao ko. "So what's your secret?"

"Buwesit ka!" Kinuha ko nga iyung basurang ipinasok ko sa bag ko at ibinato iyun sa kanya. "Tigilan mo ako dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo! Baliw ka! Praning!"

"Ano ba talaga? Praning o baliw?"

"All of the above!" Hindi pa talaga ako nakuntinto dahil nilapitan ko pa siya at inapakan ang isang paa niya. "Ouch! Baliw ka ba?!"

I stick my tounge on him. "Serves you right! Baboosh." Saka ko siya tinalikuran leaving him in pain. Pauna lang yan dahil kapag ako nainis pa sayo ng sobra susunugin ko na ang bahay mo!

Wala sa mood na pumasok na ako sa classroom ko. Naasar talaga ako sa Rome na iyun. Simula noong magka-classmate kami noon sa kindergarten ay hindi na talaga niya ako nilulubuyan. Buti nalang at lagi siyang nasa star section kaya at least naman may peace of mind ako sa classroom.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon