Chapter 48

12.5K 237 14
                                    

“Rome?!” Nagulat ako nang pagbuksan ko ng pinto ang kumakatok. “A-Anong ginagawa mo sa apartment ko?” Hindi ko naman aakalaing si Rome iyun. Syet na malagkit ‘di pa ako nakapaglinis.

“Iniisip ko kung nakalimutan mo ng tawagan ako para sa plano mong under construction pa.”

Napakamot ako sa ulo, “Pasok ka muna.”

Nilakihan ko ang bukas ng pinto. Napansin kong ‘di naman naka pormal na damit itong si Rome ngayon. Sa tuwing nagkikita kasi kami napakaayos at pormal niya manamit. Napaka-boring tuloy pagnasaan. Mas type ko kasi ang boy-next-door niyang dating noon. Choosy lang eh?

Peru Julie nakapag-comment ka na madumi parin ang bahay mo. Napangiwi ako. “Patay na naman ako nito. Tiyak sermon na naman.” Bulong ko sa sarili.

“Seriously Julieta?!”

Sabi ko na eh! Bakit kasi napadpad ang lalaking ito sa bahay ko?

“Maglilinis pa ako… dumating ka lang ng maaga.”

“Alas diyes na ng umaga hindi ka parin gising.”

“Well, kakagising ko lang… peru kasi… aish! Bakit mo ba ako sinsermonan?!”

“Ang kalat-kalat ng bahay mo. Hindi ka parin nagbabago.”

“Maglilinis naman talaga ako.”

Peru aaminin kong mukha talagang binagyo ang loob ng bahay ko. Kapag kasi nag-iisip ako may tendency akong magkalat at kumain ng kumain. Alam mo iyung nasasapian tapos biglang hihinahon itong kalokohan ko sa utak. Kaya hayun, ang mga sofa ko maraming kalat pati iyung sahig may stain pa ng mga ketsup at juices… mga balat-balat ng pagkain at candy ganun.

Huwag ninyo nalang itanong ang itsura ng kwarto at kusina dahil maloloka lang akong e kwento iyun. Nakaka-depress ang pagiging burara ko.

“You’re a serious case.” Napailing nalang siya pagkatapos ay isa-isa na niyang dinampot ang mga kalat. Hey wait! Bakit naglilinis siya?

“Hoy Rome anong ginagawa mo?!”

“Naglilinis?” With sarcasm pa iyun. “You might want to help me?”

Tinulungan ko na rin siya. Syempre! Trabaho ko naman talaga iyun. Kakahiya naman sa bisita ko. “Paano mo nalaman ang address ng bahay ko?”

“Itinanong ko kay Tobby.”

“Ahh, wala ka bang trabaho ngayon?”

“Hindi pa naman ako official resident doctor sa ospital kaya wala pa akong ina-handle na serious case na patients. Tumutulong lang ako sa ER at nago-observed sa mga trabaho ng mga doctor at nurses sa ospital. Besides, I’m not really staying here. After I make sure na okay na ang ospital na pinatayo namin dito pagdating ni Lola ay babalik na rin kami ni Josephine sa Italy.”

Aalis din pala siya. Akala ko dito na talaga si Rome. Biglang nalungkot ako. Kapag hindi ako ang pinili ni Rome… kailangan ko na talagang pag-aralan na kalimutan siya. Peru hanggat hindi pa iyun dumadating ay dapat laban parin. Fighting!

“Rom –“ napatigil ako nang makitang hawak niya ang picture fram na nilagay ko sa itaas ng sala set. Picture namin iyun ni Rome noong nag-selfie kami sa kwarto. Iyung time na nagdala siya ng Mcdofries. Sa picture na iyun nakangiti ako habang nakahalik siya sa pisngi ko.

Napangiti ako at lumapit ako sa kanya. Ang sweet talaga namin doon eh. Kaya nga pina-developed ko. Pampalubag loob sa suicidal kong puso. Naks!

Madami pa kaming pictures peru nilagay ko nalang sa album. Iyung ibang naka display ay with family and friends ng kasama.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon