BOOK ONE ( complete )

84K 1K 149
                                    

NOTE: Marahil marami ang nagtataka kung bakit soon to be published ang story na ito kahit di umabot ng milyon ang reads niya. Ewan ko rin, maybe because they see something in this story na worth it gawing libro. Malay mo naman, diba? Haha, so if you want to know why? Read it now, bago siya maging available sa mga book stores at e delete ang content nito sa watty. Thank You! 

Now available in all Precious Pages Stores or Precious Hearts Romances Stores and other leading bookstores nationwide. Grab a copy now!

Book 1 - Php 129.00 and Book 2 - will be out soon.

I'll be deleting some contents in this story this September 19, 2014. Kaya basa na habang nandito pa ang RvsJ. It would be great if makakabili kayo ng inyong sariling copy. Feel free to tag me kung meron na. 

https://www.facebook.com/sheirme

https://www.facebook.com/weirdygurl.wattpad

PROLOGUE

"Listen class, meron kayong bagong kaklse." Tinawag na ako ni Miss Ally sa harap. "Children say hello to Julie." First day ko ngayon sa Royal Angels Kindergarten. Medyo kinakabahan pa ako. Kakalipat lang kasi namin sa Verona Village.

"Hello Julie!"

Ngumiti ako sa kanila. "Hello po, I'm Julie Capulet nice to meet you all."

"Hoy Capulet?"

"Diba si Rome Montague?"

"Uyy gisingin nyo si Rome nandito na ang Juliet niya."

"Rome gising!"

Nagtaka ako nang may gisingin sila doon sa likod. Natutulog ba iyun? Mukha naman kasing nagbabasa lang kasi nakatakip yung mukha with a book.

"Kids stop that!"

Pagka-alis naman nung libro sa mukha nung lalaki sa likod ay kumunot lang lalo ang noo ko. May salamin siya sa mata tapos ang lapad lang ng ngiti niya. Sabi ko na nga ba hindi tulog ang isang iyun eh. Peru doon ako na amaze sa mata niya. Blue ba talaga ang mata niya?

"Hi Julieta," tumayo yung lalaking may salamin. "In behalf of my classmates I would like you to know that ," he spread his arms. "Welcome to my heart!"

"Ayeee!"

Nagpalakpakan silang lahat. Ano bang pinagsasabi ng isang ito sa akin? Anong welcome to my heart? Adik ba ang isang iyun?

"Rome love Julie!"

"Romeo and Juliet!"

"Kids awat na! Stop that," binalingan naman ako ni Miss Ally. "Julie doon ka na maupo sa harap ni Rome." Mahigpit ang pagkakayakap ko sa mga libro ko habang papunta sa itinurong upuan ni Miss Ally. Hindi ko lang talaga gusto ang uri ng pagkakatingin sa akin nung Rome na iyun.

Tahimik lang ako na naupo sa upuan ko at inilapag ang mga books ko. Nakatingin parin ang lahat sa akin at nagte-tease pa rin sila sa amin. Sino ba talaga ang Rome na iyun?

"Hi Julieta," sure ako na yung Rome ang bumulong sa akin. "I'm Rome Montague. Pwede bang mag-apply diyan sa puso mo?"

Montague?!

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon