Chapter 31

11.9K 239 17
                                    

Buong gabi akong hindi nakatulog sa pag-iisip kong paano ko malalaman kung mahal ko na ba siya. Ang bigat-bigat na ng eyebags ko. Mukha na akong zombie. Tumambay ako sa hammock sa labas ng bahay namin. Nakatunga-nga habang pinagninilayan ang aking feelings para kay Rome. Ang lalim nun ah.

"Pinsa – wooah!"

"OA mo naman maka-react?" Tumabi siya sa akin ng upo. "Ano bang kailangan mo?"

"Bakit mukha kang patay?"

"Hindi ako nakatulog sa kakaisip ko kay Rome."

"Wow! Bakit?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Alam mo bang gusto ka ng kainin ng mga eyebags ko. Syempre may rason ang pag-iisip ko sa kanya."

"Wait, yung may malisya o wholesome lang?"

"Yung may malisya,"

"Wow! Bakit?"

"Ipalapa kaya kita sa mga eyebags ko! Syempre dahil sinabi sa akin ni Rome na mahal niya ako peru wala akong masagot sa kanya. Hindi ko alam kung mahal ko ba siya o hindi. Basta ang alam ko ay masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi na ako nagagalit sa kanya, minsan nalang kapag may umaaligid na mga hipon sa kanya. Kinikilig ako kapag may sinasabi siyang maganda sa pandinig ko pa tungkol sa akin. Kapag niyayakap niya ako, hinahawakan, nginingitian, at tinitignan sa mata ay para bang kinikilig ako at may kung ano sa tiyan ko. Hinahanap ko na siya lagi... nag-aayos ako bago ako humarap sa kanya."

Paglingon ko sa kanya ay iniharap niya sa akin ang cellphone niya na may picture ni Rome. Uyy, ang gwapo niya naman diyan.

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Pa Bluetooth,"

Tumabingi naman ang mukha niya. "In love ka nga,"

"Huh?!"

"Sabi ko mahal mo na siya." Yumakap siya sa akin. "Sa wakas!" Umiiyak ba siya?

"Ano bang nangyayari sayo Kuya Tobby?"

"Julie nagmamahal ka na!" Kumulas siya sa pagkakayakap sa akin. "Open muna ang Bluetooth mo."

"Paano mo nasabing inlove ako? JulieBee ang name ko. Meron ka pang ibang picture ni Rome diyan?"

"May tatlo pa ako – send." Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. "Pili ka nalang," pumili naman ako... peru teka nga.

"Kuya Tobby naman eh!"

"Oh bakit?"

"Nawawala tayo sa pinag-uusapan natin."

"Alam mo Julie madali lang namang malaman kung mahal mo ang isang tao."

"Ano?"

"Sinong naiisip mo ngayon?"

Si Rome...

"Bakit?"

"Siya ang mahal mo..."

Kung ganoon... mahal ko na nga si Rome? Napahawak ako sa dibdib ko. Mahal ko na si Rome. Napangiti ako. Right, I'm in love with him. He's been the only person who always save me from danger. Kapag masama ang loob ko napapangiti niya ako. Tinutulungan niya ako. Mabait naman pala siya sa akin peru natatabunan ng pagkainis ko sa kanya. Marami siyang bagay na ginawa sa akin peru dahil sobrang ka manhidan ko ay 'di ko na iyun pa napapansin.

At itong mga ka weirduhang nangyayari sa akin ang isa sa mga bagay na nagsasabing mahal ko na siya. Hindi naman ako ganoon ka weird sa kanya noon. Ngayon lang ako naging shunga ng sobra. Tapos iyung mga moments na na mi-miss ko siya at yung ngiti niya. Hmm, parang ang pangalan nalang yata ni Rome ang laging bukangbibig ko.

Ngayon lang talaga luminaw sa akin ang lahat.

"Magtitimpla na ba ako ng iced tea?"

"Bakit"

"Ipagdidiwang ko ang paglaya mo sa bayan ng mga manhid." I glared at him. "Okay, ipagliliban ko muna ang plano kong iyun."

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon