Chapter 50

13.8K 306 28
                                    

Inabot na kami ng gabi kasi isinama kami ng mag-asawa sa isang charity event. Eh kaso wala namang nakakakilala sa amin kaya sabay-sabay lang sa flow. Binantayan ko lang itong anak namin at baka mawala pa. Si Rome lang naman ang daldal ng daldal dahil magaling siya sa mga palusot na ganyan.

Kaya kami ni Rose ay panay selfie nalang at kain. Wala eh? Like mother, like daughter. Naks!

“Nandito na tayo,” he stopped the car and glanced at me.

“Hindi na muna ako papasok.”

“Bakit?”

“May itatanong lang ako,” ngumiti ako sa kanya.

Nakatulog na si Rose sa likod kaya medyo tahimik na. Hindi naman dumadaldal ang lalaking ito. Naubos yata ang laway sa pakikipag-usap sa mga tao kanina.

Lumabas ako ng kotse at pumwesto sa unahan ng sasakyan. I leaned my back on it. Tumabi naman sa akin si Rome.

“Anong gusto mong tanongin?”

“Ano nga palang pinag-usapan ninyo ni Mr. Park?”

“Hmm… wala naman masyado. Tinanong niya lang ako kung anong trabaho ko at kung paano kita nakilala.”

“Hindi kayo nag-usap about the adoption?”

He shook his head. “Nope, noong magkausap kami ay sinabi niya sa akin na ang asawa lang niya ang pwedeng mag-desisyon about the adoption… and if his wife would agree or not iyun lang din ang magiging decision niya.”

“Kung ganoon…” ako talaga ang balak kausapin ni Mrs. Park kanina.

“Yes, ikaw talaga ang gustong kausapin ni Mrs. Park. Sinabi kong ako sana ang kakausap sa asawa nito peru tumanggi si Mrs. Park. She told me that she wanted to talk with you personally. At saka plano mo naman ito kaya alam ko na makakaya mong mapapayag si Mrs. Park sa gusto mong mangyari sa adoption.”

“Aish!” Pinalo ko siya. “Bakit ‘di mo naman sinabi agad?!”

“Kapag sinabi ko iyun magloloko na naman iyang utak mo at baka kabahan ka pa. Kilala kita, mas mabuting isalang ka on the spot kaysa ang e-remind ka pa.”

“Yan ka!”

“Pwede ba Julieta mag-move on ka na. Nagawa mo ng mapapayag si Mrs. Park na amponin si Jenny ngayon ka pa mag-iinarte. Talaga naman.”

“Oo na! Hindi na po.” Tinanggal ko nalang ang heels ko at kanina pa pinapatay ang mga paa ko. Bakit ba kasi ako nag-heels ng sobrang taas? “Hindi na talaga ako magsusuot ng ganito.” Bulong ko sa sarili.

“Pwede ka namang mag-flats bakit umala Binibining Pilipinas ka pa?”

Inirapan ko siya. “Kita mo na ngang sumasakit na ang paa ko tapos may gana ka pang asarin ako?” Asar din talaga ang isang ito eh. May blister na nga ako.

“Women!”

“Men!”

“Fine!” Lumipat siya ng pwesto sa harap ko. Naisandal ko tuloy lalo ang likod sa unahan ng kotse niya.

“A-Anong ginagawa mo?”

“Itapak mo iyang mga paa mo sa sapatos ko para ‘di marumihan ang paa mo.”

“Huh?”

“Itapak mo nalang bago pa iyan mapasukan ng mga germs. Huwag mo ng dagdagan ng bacteria ang katawan mo. Marami na.”

“Aish! Hindi ko alam kong concern ka lang o inaasar mo lang ako,” alanganin na tinapakan ko ang mga sapatos niya. Kahit medyo napaka-weird ng position naming dalawa. Super close eh parang ‘di madadaanan ng lamok. Kahit na nakasandal ay napahawak parin ako sa mga balikat niya. “Hindi ba awkward ang position natin?”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon