Chapter 12

15.3K 346 18
                                    


Nakita ko si Rome na naka tayo sa labas ng SC office kaya huminto ako sa tapat niya.

"Rome sasabay ka ba sa akin?" Mabait ako ngayon dahil pinakain ako ni Rome tiyaka birthday ni Tita Cathy, ang mama niya. "Sabay na tayo." Kailangan kasi naming umuwi ng maaga. Mukha nga siyang bad mood eh.

"Mauna ka na may gagawin pa kasi ako." Well, at least inalok ko siya. "Okay, una na ako." Akmang aalis na ako nang tawagin niya ulit ako.

"Bakit?"

"Favor sana, pwede mo ba akong samahan na e-check lahat ng mga classrooms? Kailangan ko kasi ng katulong, pambayad mo na rin sa utang mo kanina."

What the heck! Umutang lang ako aalilain niya agad ako? Asar ito ah. Hoy - "Please don't shout Julieta." Mind reader ba siya?

"Paano mo nalaman?"

"Kilala na kita," inabot niya sa akin ang isang clipboard. "Check the second and first floor tapos magkita tayo sa auditorium." Pagkatapos ng instruction niya ay iniwan na niya ako.

"Hoy bayad na ako sa utang ko sayo ha!"

"Oo na! Opurtunista mo masyado."

"Syempre!"

Inuna ko muna ang second floor bago ang first floor. Kasi nasa ibaba lang naman ang auditorium nakakapagod lang magpapabalik-balik. Okay naman, naka-lock na lahat ng mga classrooms at malinis na rin. Nilagyan ko ng check mark ang mga classrooms.

Pagkatapos ay dumiretso na ako auditorium dahil doon daw kami magkikita ni Rome. Peru bago pa ako makarating doon ay nag-text na sa akin si Mama kung na saan na kami. Peru wala akong load kaya hindi ako naka-reply. Hindi bale, baka may load si Rome. Mayaman naman iyun everyday.

Pumasok ako sa auditorium at nakita ko doon si Rome nakasampa sa stage habang may kung anong isinusulat sa clipboard niya. Pagtingin ko sa watch ko sa wrist ay maga-ala sais na pala. Tapos may family dinner kami ng 7 pm.

"Ro-" tawag ko sa kanya nang biglang namatay lahat ng ilaw at nasara lahat ng pintuan. "Ahhh! Rome!" Napapikit ako at napatili. Takot ako sa dilim. "Romeee!"

"Julie, Julie!" Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. "Julie are you okay?"

"Rome bakit namatay lahat ng ilaw?" Naiiyak kong tanong. "Natatakot ako sa dilim. Bakit na lock lahat ng pinto? Rome ayoko dito!" Ayoko dito.

"Shsh, calm down. I'm here." Naramdaman kong kakalas siya sa pagkakayakap niya sa akin kaya hinawakan ko agad ang kamay niya. "Stay here, titignan ko lang kung may bukas pa na pinto."

"Huwag mo kong iwan. Wala akong makita."

"Don't worry," Inalis niya yung kamay kong nakahawak sa isa niyang kamay at pinisil iyun. "Babalik din agad ako."

"Siguraduhin mo lang na babalik ka kung hindi papatayin talaga kita!" He just chuckled. "Seryoso ako Rome!"

"Oo na,"

Ilang segundo akong nakatayo doon sa puwesto ko habang hinihintay si Rome na bumalik. Peru habang tumatagal lalo lang akong natatakot. Saan na ba kasi ang lalaking iyun? Asar! Kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Paano nalang kung may lumabas na momo at patayin ako o hindi kaya ay hilahin ako deep down under. Waa, ayoko nun!

"Julie!" Bumalik si Rome na may dala-dalang flashlight. "Bad news," sabi niya nang makalapit na siya sa akin. "We're trapped."

Bumagsak naman ang mga balikat ko. "Anong gagawin natin?"

"I'll try to call Mom," Kinapa niya ang pocket ng pants niya ng paulit-ulit. "Guess I didn't bring my phone."

"Great! Alam mo kung anong tingin ko sa situation na ito?"

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon