Chapter 25

12.1K 236 11
                                    

Sinong tangang lalaki ang pababayaan ang mahal niya sa first love niya? Not me! Sumilip ako mula sa bintana ng bahay. Mukhang seryoso naman ang pinag-uusapan nila. Nakatunganga lang ako doon nang biglang hinawakan ni Zell ang kamay ni Julieta.

"Nak nang! Walang hawakan ng kamay." Gusto ko na talagang batuhin ng kutsilyo ang isang iyun eh. Usap lang ang hiningi kailangan talagang may pahawak-hawak pa? "Ewan!" Tumalikod nalang ako. "Bakit ba ako nanonood sa kanila?"

"Kasi natatakot kang mawala sayo si Julie."

"Kanina ka pa ba diyan Marco?"

"Nope, kakababa ko lang." Tumabi siya sa akin. "Grandma called." Nanigas ako bigla. Tumawag si Lola? "Huwag kang mag-alala hindi ko sinabi kay Tito Ralph."

"Anong sabi ni Lola?"

"Pinababalik ka na niya sa Italy." Naipikit ko ang mata. Damn! Bakit ko ba kinalimutan iyun. "Nasa sayo kung tutuparin mo ang ipinangako mo kay Lola o mas pipiliin mo si Julie."

"Bakit ba nangyayari sa akin ito?"

"You just want to make Tito and Tita happy. Hindi mo naman kasalanan na dumating sa buhay mo si Julie." He tapped my shoulder. "Gusto kong piliin mo yung magpapasaya sayo this time Rome."

"I love her," I sighed. "But I promised Lola." Damn! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ngayon pa? Crap!

"Just think it over first,"

Iniwan ko na si Marco at umakyat ako sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan sa kama. How could I forgot about what I promised to my grandma. Crap! Bakit ba nagkandaloko-loko na ang lahat ngayon? Hindi ko ba pwedeng mahalin si Julie na walang problema?

"Lola! Please don't Mom leave us." I knelt down in front of her. "I will do everything, just don't let Mom go."

"I'll let your Mom stay with you, but in one condition."

"What is it grandma?"

"You have to comeback here and leave everything in the Philippines. You will stay with me when the right time comes."

"Grandma?"

"Promise me,"

"What if I won't?"

"I'll force your Father to leave your Mother and make her miserable."

"Babalik ako lola,"

 

Iniwasan ko naman ang panonood ng ma dramang teleserye bakit na gaya pa rin ni Dao Ming Zi ang buhay ko?

"Arrgh!"  I don't want to leave her. Hindi ko din kayang maghiwalay ang mga magulang ako. They've been really happy. Ayokong maging selfish para sa sarili kong kaligayan. "Damn! Ano ba dapat ang gagawin ko?"

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon