Chapter 42

11.8K 251 17
                                    

Malas naman at ngayon pa nasira ang pink bettle car ko. Naloka yata sa akin for the past days. Mukhang mauunang magpa-ospital sa akin. Kaya heto ako ngayon naglalakad pauwi sa madalim na daan papunta sa apartment ko.

Ewan ko ba parang ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa katawan. Parang ang sakit at and bigat ng katawan ko. Kumikirot pa ang mga sugat ko.

“Ikaw kasi Rome eh! Hindi mo na nga ako hinaharap hinahayaan mo pa akong ipagpatuloy ko itong pagpatay ko sa sarili. Pwede mo naman akong harapin at sabihin sa akin na stop, tigilan mo na ako Julie. Hindi na kita mahal o sabihin man lang na tigilan mo na ito nagmamakaawa ako sayo. Ipagpaliban mo muna ang pagsabi na hindi mo na ako mahal para naman may pag-asa pa ako.” Inilabas ko ang cellphone ko at tinignan ang picture namin na naka wallpaper na sa pang-lima ko ng cellphone within ten years. Walang palitan iyun dahil loyal ako. Naks!

“Ikaw Rome! Patay na patay ka sa akin noon. Bakit ngayon ang cold mo na sa akin? Nakakainis ka na alam mo ba? Plat na plat na itong puso ko sayo. Kita mo nga ang mga paghihirap ko sayo? Tignan mo ang itsura ko? Mukha akong ginahasa ng limang penguin. Hindi ka man lang ba naawa sa akin? Paano kung mamatay ako sa pagpapapansin sayo? Iiyak ka ba? Magsisi ka ba? Siguro hindi,” I sighed.

Bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko? Peru nakakainis lang talaga eh! Ang hirap pala ng ganito. Iyung feeling na hindi man lang nag-alala sa akin si Rome o ‘di kaya kumustahin ako. Bakit ko ba kasi pinagpipilitan ang sarili ko sa kanya?

Kasi nga mahal mo siya.

Peru bakit kapag nagmamahal ka ‘di ka naman nagiging masaya. Lagi ka nalang nasasaktan. Lagi nalang akong nasasaktan.

“Pansinin mo na kasi ako Ro – hooowoah!” Napatili ako. “Great!” Na shoot lang naman ako sa kanal. Ang sarap talaga ng buhay ko. Nakasubsob ang mukha sa lupa habang ang dalawang paa ay na shoot sa kanal. “Waaaaa! Ayoko na, okay?!”

Sakit ng braso ko!

Lahat ba ng kontrabida sa mundo nararanasan ang kamalasang nararanasan ko ngayon? Kung oo, I feel you. I swear hindi na ako magmo-monologue kung ganito lang ang dadanasin ko.

“Can someone help me up?”

Crock… crock… crock.

“Sabi ko nga walang tutulong sa akin.”

****

“Ciao!”

“Josephine,”

My lips twitch. I hate it when he called me by my full name, but sabi naman ni Julie ay ganoon lang talaga si Rome. Maybe it’s an endearment to people he treasured most. Matagal na kami ni Rome, but it feels like I haven’t known anything of him. Mabait naman siya sa akin and he seem to be enjoying my company… but I couldn’t missed the slight glint of sadness in his eyes. Para bang may kung anong bumabagabag sa kanya.

I never bothered asking. Sasabihin niya naman siguro sa akin ang lahat kapag handa na siya… I never doubted his love anway. I trusted him because I loved him.

“May kailangan ka?”

“I just came by to visit. Busy?”

“Hindi naman masyado,” he looked tired. “I’m sorry kung hindi kita na sasamahan lately. Marami kasi akong inaasikaso sa ospital… there’s so many things to do.”

“I understand,” I gave him a smile of assurance. “Kailan mo iyun matapos bago bumisita si Grandma. I know you can do it. Ikaw yata si Rome.”

He chuckled, “Thanks Josephine… pinapangiti mo talaga ako.”

“Of course, ayoko kayang magkaroon ng boyfriend na mukhang zombie.” Napansin kong ‘di niya suot ang ibinigay ko na bracelet. I looked at him with a confused face. “Why aren’t you wearing the bracelet I gave you Rome?”

“I forgot… must I left at home. Bigla kasing nagka-emergency, so I had to came here as fast as I could.” He smiled and reached for my hand. Somehow it made me more relax and relief as well. Akala ko ‘di niya nagustuhan ang bracelet na ibinigay ko sa kanya. “I’ll wear it next time. Kumain ka na ba?”

“Tapos na,”

“I’m off,” tumayo na siya at hinubad ang lab coat niya. “May gusto ka bang puntahan ngayon?”

“Hindi ka ba pagod?”

“Kailangan kong bumawi sa girlfriend ko.” He held his hand at me. I took it with a smile. “Shall we?”

Naglakad-lakad lang muna kami. Mataga-tagal din bago namin nagawang maglakad na magkasama dahil busy siya. Ako naman ay may ginagawa din. Nakaka-miss din ang mga moments na ganito.

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya. He was shocked at first peru ngumiti na din siya sa akin. “I missed this,”

“Me too,”

“Alam mo ba sinubukan kong pumunta sa mga charity organizations and home orphanage lately. Naawa ako sa mga bata at saka matatanda. Mas worst pala ang needs nila kaysa doon sa atin. I tried talking with some of the ambassadors and orpahanage volunteers na tutulungan ko silang maka-gain ng funds.”

“Maganda iyan,”

“I might have a free concert for a cost.”

Hindi naman ako totally spoiled brat ng isang mayamang magulang. I don’t work for our company, but I help other people whom are in need with financial, care, food, clothes, and love. Active ako sa charity works… and I used my talent to gain money for them. Well, sosyalen pa ring matatawag ang pagiging pianist ko. I’ve never been active in classical concert peru nagtu-tutor ako for free.

“Sabihin mo lang kung may maitutulong ako.”

Ikinuwit ko ang braso ko sa isang braso niya. “Syempre may maitutulong ka. Ano pang silbi ng pagiging doctor at pagiging mayaman mo, diba?” I winked and chuckled.

“Wise girl,” he laughed.

“Ahm, nga pala, alam mo ba kung saan nakatira si Julie?”

“S-Si Julie?” I felt him stiffen a bit, but I didn’t mind. “Why?”

“Naisip ko lang kung magiging interested siya sa goal ko. Diba, sikat siya sa mga bata dito sa Philippines kasi bestselling ang children story book niya?”

“I guess,” he shrugged.

“Hindi mo ba alam kung saan ang bahay niya?”

“Hindi ko alam, matagal-tagal na rin namang hindi kami nakapag-usap ni Julie. Simula nang umalis ako ng Pilipinas ay bumalik na ang mga magulang niya sa San Isidro… while Julie stayed in an apartment.”

“Ganoon ba? Hindi bale, tatawagan ko nalang siya.” Nakapagtataka naman at ‘di gaanong nag-uusap sila Rome at Julie. Sinabi sa akin ni Julie na naging magkaibigan naman sila peru bakit noong sa San Isidro ‘di naman sila gaanong nagpapansinan. “Rome?”

“Bakit?”

“Nag-away ba kayo ni Julie?”

“Bakit mo na tanong?”

“Ang weird lang kasi… kung close kayo noon… bakit ngayon hindi na?”

“We’ve never been too close.”

“Eh bakit bumibili ka ng mga libro niya?”

“It makes me feel…”

“It makes you feel?” He smiled and messed my hair. Hinawakan ko iyung kamay niya para pigilan siya sa paggulo sa buhok ko. “It makes you feel, what?”

“Home.”

“Home?”

He nodded, “home.”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon