Chapter 15

15.1K 309 32
                                    

"Hoy Rome Montague bakit mukha kang namatayan ng goldfish diyan?"  Puna sa akin ni Ethan.

Sino ba namang hindi? Nakakainis ang Paris na iyan! Akala mo kung sinong kagwapuhan eh mas 'di hamak na lamang naman ako ng sampung paligo,sampung pabango, sampung hotness, sampung kain, sampung ka-coolan and a total of one hundred percent of kagwapuhan at kakisigan sa isang iyun! Bakit may payaka-yakap pa sila ni Julie? Kailangan talagang ipakita iyun sa akin?

"Kung ang goldfish mo kaya ang patayin ko?!"

"Huwag! Mahal ko iyun, spare my fish men!"

"Then shut up!" Ganitong mainit ang ulo ko.

"Ethan Yu huwag mo ng asarin at baka masipa ka pa niyan sa labas."

"Wow Kai?! Akalain mong aware ka pala sa mga happenings sa mundo? Akala ko kasi naging-presidente ka na sa mundo mong puro pera at ginto."

"Kahit nagtitipa ako sa laptop ko aware parin ako sa kagaguhan mo Ethan Yu."

"Kailangan pa bang e-complete name ninyo pa ang name ko?"

"Kung may problema ka sa trip ko face my lawyers."

"Trip na Trip!"

"Hoy kayong dalawang kuto bakit kayo nandito?!"

"Sorry hindi na tatahimik ang kaluluwa namin sa kapangitan ng pangalan mo Ethan Yu, diba Kauro?"

"Tama ka Hikaru, ang pangit nga."

"Bwesit! Huwag ninyo ngang lait-laitan ang pangalan ko."

"I need silence!" Sigaw ko sa kanila. Ano bang ginagawa ng mga ito dito? "Pwede ba huwag kayong mag-usap sa harap ko."

"Haring Rome and Gobernador Heneral Kai," nag-bow ang dalawang kambal sa harap namin ni Kai. Bakit ba ang weirdo ng dalawang ito? "Praise our highnesses."

"Umayos nga kayo diyan para kayong temang!"

"Hala! Si Haring Rome ay bad mood. Ano kaya ang problema niya Hikaru?"

"Pera?"

"Nah! Ang yaman niya eh. Money is not a problem."

"Pagkain?"

"Nah! Maraming ref iyan. Food is not a problem."

"Appliances?"

"Nah! Marami sa bahay nila iyan. Appliances are not a problem."

"Hmm, Alam ko na! May problema siya, iyan ang problema niya Kauro"

"Nah! Ang rami niyan sa utak. Problem is not a problem."

I swear makakapatay na talaga ako ng dalawang kambal ngayon. Bakit ba ang kukulit ng dalawang ito? Umiinit lang tuloy ang ulo ko sa kanila.

"Eh ano ba talaga ang problema niyang si Rome?"

"Love life,"

"Kai paano mo naman nalaman na iyun ang problema ni Rome?"

"Ka chat mo ba si Bro?"

"Nakalagay ba iyan sa status ni Haring Rome sa facebook, twitter, tmblr at sa blog niya?"

Isinarado ni Kai ang laptop niya. "Rome loves only one girl." Kahit laging busy si Kai sa laptop niya ay marami pa din siyang napapansin. Si Kai ang perfect example ng isang taong hindi manhid. Pwedeng magpalit kayo ni Julie minsan?

"Huh? Sino? Si Chichay?"

"Si Dyesebel?"

"Si Yoona ng Girls Generation?"

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon