Chapter 47

12.4K 255 15
                                    

Hindi muna namin sinabi sa atribidang Sheena na iyun ang plano ko dahil tiyak gagawin na naman niya akong kontrabida. At saka wala pa naman akong naiisip na plano talaga. Meron konti peru malabo pa.

Lumabas na kami ng orphanage.

“Salamat sa pagbisita Joy, Rome … at Julie.”

Halatang ayaw pang e mention ang pangalan ko. Aish, binalingan ko nalang si Jenny. Nag-smile ako sa kanya. “Bye Jenny… basta huwag kang mag-alala. Akong bahala sayo.” Sabay kindat sa kanya.

She giggled, “Bahbye Ate Julie. Balik ka po.”

“Oo naman!” Patay malisya na binalingan ko si Sheena at nginitian. “Bye Sheena.” Pampainis lang sa babaeng iyun. Tiyak akong nagulat siya dahil magkasundo na kami ni Jenny. Dah! Nga-nga ka ngayon? Iwas sa laway baka tumulo he-he.

“Babalik nalang ulit ako dito Sheena,” ni Joy.

“Tumawag ka lang Joy.”

She nodded, “Wait…” biglang may huminto na sasakyan sa harap namin. “Mukhang may bisita kayo ah.” At parang kilala ko ang plaka ng sasakyang ito.

“Wala kaming ini-expect na bisita ngayon. Sino naman kaya ang may-ari ng sasakyan na ito?”

Hindi ko na sila pinansin pa at lumapit ako sa tinted na bintana ng Red Ford Everest na sasakyan na nag-park sa harap namin. Kilala ko talaga ito eh. Kinatok ko iyun at bumaba naman ang salamin nun. Aish! Sabi ko na nga ba.

“Mahal!”

“Anong ginagawa mo dito Zell?”

“Sinusundo ko ang mahal ko.” Sumilip siya mula sa bintana para makita ang mga tao sa likod ko. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Rome. Nakangiti naman si Joy at medyo shock itong si Sheena. “Hello! Wait,” bumaba ng sasakyan si Zell.

Umikot siya para makalapit sa akin.

“Sino siya Julie?” Nakangiting tanong sa akin ni Joy.

“Hi, I’m Zell.” He extended his hands to Joy. “Specil som –“ tinapakan ko naman ang paa niya. Magsisimula na naman ang isang ito eh. “Super special friend ni Julie.”

Tinapunan ako ng makahulugang tingin at kilig na ngiti ni Joy. Trust me, si Rome lang ang mahal ko. Ano naman kayang ginagawa ng lalaking ito dito?

“Josephine, but you can call me Joy.”

“I know you, girlfriend ni Rome.”

She nodded, “Wow! Paano nalaman?”

“Taga San Isidro din ako. I’ve heard from Julie, but I was too busy nang dumalaw kayo doon.” Nakipagkamay muna siya kay Sheena. “Zell, and you are?”

“Sheena,”

Zell’s smile widened, “Nice to meet you Sheena.” Bakit feeling ko napaka-friendly ni Zell ngayon. Nakakataas na ba ng confidence ang pagyaman? “Well,” natuon naman ang tingin niya sa tahimik na si Rome. “Hi Rome!”

“Zell,”

“Ang tahimik mo naman yata masyado? Where’s the old Rome I’ve met? Ibinaon mo na ba sa kahon at itinapon sa dagat?” He chuckled. “Alam ninyo madaldal iyang si Rome dati. Naalala ko pa noong una ko siyang makita.” He sighed dreamily as if inaalala niya ang nakaraan. “Magkasama sila ni Julie tapos –“

“Zell ano bang ginagawa mo dito?!” I distracted him at baka saan na naman iyan mapunta. Bakit ba ang daldal ng lalaking ito?! “Akala ko ba ‘di ka na aalis sa hacienda mo?”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon