Chapter 37

13.7K 297 39
                                    

Dahil nga sa may pa-surprise pa akong nalalaman kaya heto ako ngayon hirap na hirap sa mga bagahe ko simula doon sa bus stop ng San Isidro. Sa dami pa naman ng mga dinala kong gamit for two weeks na vacation ay mukha akong pinalayas sa apartment. Haggardness na ang peg ko at sobrang messed up na ng buhok ko. At sa sobrang pakikay ko ngayon ay naisipan ko pang mag-summer dress with matching summer hat na mas malaki pa sa ulo ko. Takte! Bakasyonestang over dress ang peg.

Hinihingal na napahinto ako nang nasa tapat na ako ng gate ng bahay namin. Fences lang iyun kaya – wait! Bakit may nakikita akong mga anino ng tao sa bintana. May party ba? Mukhang may bisita sila Mama at Papa ah. Hirap na hirap na hinila ko na yung mga gamit at maleta ko at nang nasa harap na ako ng pintuan ay ibinaba ko yung mga gamit ko.

Syempre dapat nakaayos ang aking buhok, damit, at itong summer hat ko. Feel na feel kong beach ang nasa loob ng bahay namin. I took a deep breathes, “Okay, here I go.” Pinihit ko na pabukas ang doorknob with wicked smile pa iyun. Hayan na… okay. Ito na talaga.

“WELCOME HOME TO ME!” Sigaw ko.

“Julie?”

Na-estatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang mapansin kong si… si Rome… si Rome nga iyun! Biglang gusto kong umiyak sa harap niya at suntukin siya sa inis. Peru mamaya na iyun dahil tinalon ko na ang pagitan naming dalawa at niyakap siya.

“Rome!”

“Julie…” bigla namang may kung anong tumusok sa puso ko nang tawagin niya akong Julie. Kumalas ako ng yakap sa kanya.

“Rome?” Siya naman itong lumayo sa akin.

“Julie!” May lumapit naman na cute na babae sa kanya. Wait! Kilala ko siya. Siya yung babaeng nakilala ko sa fastfood.

“Oh my!” Napasinghap si Joy. “Magkakilala pala kayo ni Rome?” Bigla-bigla ay nawalan ako ng lakas. Kung ganoon siya ang boyfriend ni Joy? Okay, ‘di ko ito kaya.

“Yeah, she’s my childhood friend.”

Pilit akong ngumiti sa kanila kahit na gusto ko ng kalbuhin ang puso kong panot dahil sa sakit at selos. Kaya pala hindi ako pinapauwi nila Mama dahil dito.

“Yeah, cool!” Sabi ko nalang kahit halata namang pekeness iyun. “Ahm, so…” napatingin ako sa kanila. Nandoon ang mga magulang ko, mga magulang ni Rome, yung kapatid niya, tapos si Kuya Tobby at Marco. They all look so happy. “Hi, long time no see. Julie here, ahm, aakyat na muna ako sa kwarto ko.”

Pagkatapos nun ay sinimulan ko ng kunin ang mga gamit ko nang lumapit si Kuya Tobby at siya na mismo ang tumulong sa akin na iakyat ang mga gamit ko. Pagdating naman sa kwarto ko ay hindi ko na napigilan ang maiyak kaya niyakap ako ni Kuya Tobby.

“Shshs, Julie.” I sobbed on his chest. “Tahan na, it will be okay.”

“Ang…sakit… ang sakit pala.” Iyak lang ako ng iyak. Parang hindi na nga yata mauubos ang mga luha ko. Sobrang naninikip ang dibdib ko. “Bakit? B-Bakit kuya Tobby? S-Sana sinabi nalang niya sa akin… sa akin na may girlfriend na siya… hindi iyung iniiwasan niya ako. Umasa tuloy ako… “

“I’m sorry, I should have told you.”

“Sampung taon… sampung taon akong naghintay…”

Sabi ko na ba talaga hindi ko kakayanin eh. Ngayon… ako yata ang nagulat imbes na sila.

****

“Balita ko may girlfriend na pala ang Romeo mo?” I glared at Zell.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon