Chapter 53

9.3K 243 12
                                    

“Bakit ganoon?”

Kanina pa ako tumatawag kay Rome peru ‘di ko siya ma contact. I dialed his number again peru same lang din. I sighed. Busy kaya sila ngayon?

“Ma’am?”

“Eh?”

Doon lang ako natauhan. I’m in a cake shop pala. Hindi ko na nga lang iyun iisipin pa. Okay, naman siguro si Rome doon. I smiled at the crew.

“One Vanilla Petals with Sprinkles,” I read the name. It’s a cupcake that has white butter cream frosting on top with sprinkles. Mukha kasing masarap.“At saka isa din nitong Chocolate-Strawberry cupcake.” Iyun naman ay may plain chocolate cake with strawberry frosting tapos may drizzled ng chocolate.

“Take out po ba Ma’am?”

“Yes, but can you separate them?”

“Pwede po Ma’am, wait lang po.”

Favorite ko talaga ang mga cupcakes at cakes. Kahit na bawal sa akin ang matatamis. Hindi naman siguro masama kung kakain ako paminsan-minsan. Besides, Rome wouldn’t know naman.

“Uy ang gwapo.”

“Ang gwapo naman niya… sino kaya siya?”

“Ngayon ko lang siya nakita dito. Ang gwapo talaga eh.”

My mouth twitched. Sino naman kaya ang tinutukoy nilang gwapo? I did not bother turning around. I was just too consumed with these cupcakes displayed in front of me. At saka… isa lang naman ang gwapo para sa akin.

Si Rome… I silently giggled.

“Sir Zell!”

“Hi Kat,” he rested his hands on the counter at iyun ang una kong tinignan. He was beside me and I slowly looked up at him. Wait, I think I’ve seen him before. “Dala ko na pala ang mga itlog na kailangan ninyo.” He glanced at me.

We just looked at each other for a moment, and then he smiled.

“Hi,” umabot ang ngiti niya sa tainga.

Wait, Zell? Oh naalala ko na. Ang boyfriend ni Julie. Hindi ko siya maalala kasi masyado siyang formal noong una kaming nagkita. Parang galing meeting… while ngayon, he’s just wearing a worn out jeans at simpleng shirt, matched with sneakers.

He propped his body on the counter and crossed his arms. I actually think that he’s just ruggedly handsome in his own way. Kaya I’m not shock kung pagpasok niya palang sa shop ay marami na ang na gwapuhan sa kanya.

I smiled back. “Ikaw si Zell, right?”

He nodded, “Yup, glad you’d still remember me.”

“Muntik na nga eh,” I chuckled.

“Ma’am ito na po ang order ninyo,” inabot niya sa akin ang dalawang maliliit na box na transparent ang gitna kaya nakikita ko parin ang cupcake.

“Thank you,”

“Sir Zell sabi ni Boss na kung pwede daw na maghintay kayo saglit.”

“Sure,” binalingan niya naman ako. “Care to accompany me for awhile, Joy?”

“Hmm, sure. Wala naman na akong gagawin pa.” He led me to a vacant table near the glass window. I set the two boxes of cup cakes down on the table. “So,” I started. “What are you doing here? Hindi ka naman mukhang mahirap para mag-deliver lang.” I joked.

“Masyado ba akong gwapo para maging delivery boy?”

“Parang ganoon na nga,” I shrugged.

“I’ll take that as a compliment. At tama ka, hindi ako delivery boy… though, I’m sort of like that.” I liked him. Kagaya ni Julie ay magaan ang pakiramdam ko sa kanya. He has sense of humor as well. Isa sa mga bagay na wala si Rome.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon