Chapter 41

12.7K 250 25
                                    

DAY 1

Nag-bake ako ng chocolate cake. Epps! Masarap na ito dahil pinag-aralan ko ang pagbe-bake at pagluluto. Salamat naman at nag level up na ako sa department na iyun. Final touches ang blue na ribbon dahil favorite color ni Rome. Hindi ako manliligaw sa kanya. Well, magpapansin lang naman ako.

Ginamit ko ang makaluma kong sasakyan na second hand. Peru ‘di naman iyun mukhang luma na bettle car na pink. Sosyal! With care kasi ang pag-aalaga ko doon. Nag-drive ako hanggang sa ospital kung na saan si Rome. Inihinto ko ang sasakyan malayo muna sa emergency dahil may kulang pa sa get up ko.

Inabot ko ang malaking make-up box ko at inilapag iyun sa lap ko.

“Hmm, ano ba dapat ang gagamitin ko?”

Hindi ako makapili kung anong matutulis na bagay ang gagamitin ko na pangsugat sa sarili. Alangan namang mag-make up ako sa ospital para makita si Rome? Syempre dapat duguan ang beauty mo para mapansin. Buhis buhay naman itong ginagawa ko.

Napapalunok at napapangiwi ako sa tuwing tinitignan ko ang mga matutulis na bagay na dinala ko. May maliit na knife na panghiwa ng isda at karne. Iyung isa naman ay butter knife at ewan ko nalang kung masusugatan ako niyan. Iyung isa parang itak at meron din akong blade, shaver, niddle, debris ng isang broken glass, and chinsaw (joke). Kung may makakita sa akin tiyak iisiping papatay ako ng tao ngayon.

“Ayoko! Hindi pa ako handa diyan.” Inabot ko ang hot water dispenser. In case ‘di ko kayanin ang duguan.  “Syet! Buhis buhay talaga ako sayo Rome.” Hindi naman siguro gaanong masakit ang buhusan ang isang braso ko ng kumukulong tubig diba?

Pikitmatang ibinuhos ko na ang mainit na tubig sa braso ko. “Shuks!” Nanlaki talaga ang mata ko. “Syet ang init!” Nanginginig na binuksan ko ang pinto ng sasakyan at tinakbo ang emergency door. “Takte! Ang cake ko.”

Hampaslupa! Ang init talaga. Parang nasunog yata ang balat ko doon. Madali ko nalang kinuha ang box ng cake at sinipa ang pintuan ng sasakyan. Pagkatapos ay tinakbo ko na ang pinto ng emergency. “Woaah! Ang init! Ang sakit!”

“Ma’am na paano po kayo?” May lumapit sa akin na nurse.

“Natabig ko ang nakabukas kong hot water dispenser sa bahay.” Nagpalinga-linga ako sa paligid. “Ang init!” Hinipan ko ang braso. “Nandito ba si Doc. Rome Montague?”

“Ma’am gamutin na muna natin ang braso mo.” Hinila na ako ng nurse.

“Nurse na saan si Doc Rome?” Napatingin-tingin ako sa paligid peru ‘di ko naman makita. Kapag wala iyun ngayon I swear hindi na ako mag-iinit ng tubig kahit kailan. “Nandito ba siya?”

“Ma’am maupo na muna kayo,” pinaupo niya ako sa isa sa mga bed doon. “Titignan ko lang po ang braso ninyo.”

“Nurse bakit wala si Rome?”

“Ma’am busy po si Doc Rome ngayon,” mukhang na annoy na siya sa akin. Galit naman ang isang ito. Ibuhos ko kaya ang lahat ng laman ng hot water dispenser sa mukha mo. Hindi mo alam kung gaanong buhis buhay ang ginawa ko makapasok lang sa ospital na ito. Ang sakit-sakit na nga ng braso ko naging epic fail pa ang plano ko.

Sana pala naglaslas nalang ako pala code red agad. Yumuko nalang ako at pinagnilayan ang kashungaan ng plano ko. Ang lalim pala ng pinagnilayan na salita. Wew!

Naramdaman ko nalang na may malamig na liquid na nilagay sa braso ko. Ang sarap umiyak at mag-drama. Bakit kasi wala si Rome?

“Masakit ba?”

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon