Chapter 29

12.2K 246 20
                                    



Nagpabaling-baling na ako sa higaan ko. Ano ba Julie? Ano ba talaga ang nararamdaman mo kay Rome? "Aish!" Bumangon ako sa kama. "Hindi ko alam talaga. Mahal ko na ba siya o hindi?" Bakit 'di ko naman masagot ang sarili ko.

I like you Julie... for real.

Yes, matagal na kitang mahal.

"Waaa!" Tumili ako sa sobrang inis na medyo kinilig na rin. "Hay naku Julie ang sarap mong kutusan dahil diyan sa kaartehan mo, okay?!"

Kailangan ko na talagang linawin itong nararamdaman ko sa kanya. Nagpalit ako ng damit pagkatapos ay umupo sa harap ng vanity table ko. Kailangan kong makausap si Rome at may lilinawin lang ako. Naglagay ako ng polbo sa mukha at konting lip tint. Biglang napatigil ako at tinutukon ang mukha ko sa salamin.

"Bakit ako nag-aayos?" Nabitiwan ko ang lip tint at napasinghap. "Kailan pa ako naging contious sa looks ko pagdating sa kanya?" Tinampal ko ang noo at napapikit. "Ang weird ko na talaga."

Hindi ko na pinansin ang ka weirduhan ko at bumaba na ako at hahanapin ko pa iyung si Rome. Ipapa-check up ko sa kanya ang puso ko. Eh? Ewan ko sayo Julie nababaliw ka na. Nasa huling baitang na ako nang mapansin ako ni Tobby. May apple sa bibig niya at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa.

Kinagatan mo na niya ang mansanas bago nagsalita. "May lakad ka ba at mukha kang fresh?" He mischievously smiled at me. I just raised an eyebrow.

"Na saan si Rome?"

Lumapad lang lalo ang ngiti niya. "Right, nagpapaganda ka na para sa kanya?" Tumawa siya. Kainis din ang isang ito eh. "Maganda iyan, nae-enhance ang kapangitan mo."

"Ewan ko sayo!" Iniwan ko na rin siya.

"Nasa garden si Rome," napatigil ako. Ano namang ginagawa niya sa garden? "Tinatanin ang puso niya para sayo." Nilingon ko si Kuya Tobby peru nag-peace sign lang siya bago umakyat sa hagdan.

Hindi ko na rin pinansin iyung huling sinabi niya sa akin. Pumunta na ako sa garden namin na nasa likod lang ng bahay. "Ro – woah?" Nanlaki talaga ang mga mata ko nang mapansin ko ang mga babaeng nasa labas ng fences. May concert ba at maraming tao sa garden namin?

"Julieta!" Kumaway sa akin si Rome. "Halika dito." Lumapit ako sa kanya not minding those girls na parang zombie na hindi makapasok sa bahay namin. Subukan lang nilang pumasok at babarilin ko sila isa-isa. I crossed my arms nang makalapit na ako sa kanya.

"May ginagawa ka bang milagro at lahat ng babae dito sa bayan namin ay nakabantay sayo?"

"Nagtatanim lang ako. See?" Itinaas niya ang maruming gardening trowel. "Wala kasi akong magawa ngayon." Iginala naman niya ang mata sa buong paligid. "Bakit ang daming tao?"

"Ewan ko sayo,"

Ngumisi lang siya. "Selos ka?"

"Hindi ah! Wait lang," iniwan ko siya at tinungo ang gripo na sinadyang ilagay para sa garden at ikinabit ang hose doon.

"Anong gagawin mo Julieta?" Sigaw sa akin ni Rome.

"Magdidilig ng mga lagalag ng damo!" Lumapit ako sa fences at itinuon ang hose sa mga babaeng nasa labas. Naghiyawan silang lahat. Iyan nga! Magsilayas kayo sa pamamahay ko.

"Ang arte mo naman ate!" Sigaw ng isa.

"'Di ka naman maganda Julie!" Sigaw din ng isa. Ipakain ko itong hose sayo eh. "Umalis na nga tayo!" Nagre-reklamo paring nagsilayasan ang mga hipon na mga babaeng iyun.

"Wow!" Narinig ko namang pumalakpak si Rome mula sa likod ko. "I'm touched." Humarap ako sa kanya. "What the?!" Napangiwi ako dahil nabasa ko siya.

"Sorry,"

"Not fair," inagaw niya sa akin ang hose.

"Hey-  woaah!" Napakurap-kurap ako. Ang lamig pala. "Rome!" Peru tinawanan lang niya ako.

"Fair," sinubukan kong agawin sa kanya ang hose dahil binabasa na niya ako. "Ops."

"Rome!"

Naghabolan at nag-agawan kami. Peru dahil nasa kanya ang hose kailangan ko pang iharang ang mga braso ko para 'di ako mabasa peru wais talaga ang loko dahil nababasa niya parin talaga ako. Mukha na akong basang sisiw. Sayang lang tuloy ang inayos ko kanina.

"Julieta ang saya pala nito!"

"Ikaw lang naman ang enjoy na enjoy diyan?" Itinigil na niya ang pag-aasinta ng hose sa akin at binasa naman niya ang sarili. Natawa lang tuloy ako sa kanya. "Bakit binasa mo ang sarili mo?"

"Para fair," he smiled.

"Baliw!"

"This is better than rain, right?"

Inigaw ko sa kanya ang hose at inasinta siya. "You bet so!"

"Ang daya!" Tumakbo na siya. "Julieta!"

Tawa lang ako ng tawa habang hinahabol siya. Agawan lang kami ng agawan ng hose. Basang-basa na nga kaming dalawa peru tawa lang kami ng tawa. Ang saya pala nito.

"Hoy magtipid nga kayo ng tubig!" Napalingon kami kay Kuya Tobby. "Mga lapastangan!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Rome. Mukhang pareho kami ng naiisip. Yikes! Masaya ito. Biglang inasinta ni Rome si Kuya Tobby ng hose kaya nabasa ito. 

"'Langya!" Sigaw niya. 

"Takbo na!" Hinawakan ako ni Rome sa kamay at tinalon ang fences.

"Bumalik kayo dito mga hampaslupa!"

Tatawa-tawa lang kaming tumakbo.

RomeVsJulie - (PUBLISHED UNDER LIB) 2011Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon