Chapter 17

10.7K 128 13
                                    

17

Sabi nila para mas thrilling ang isang laro dapat paisipin ang taong kalaro.

At iyon ang ginagawa ko ngayon. Ang paisipin ng matindi si Nathan.

Tatlong araw akong nagkulong lamang sa P. Suite. Hindi ko sinasagot ang tawag nya at ni Ina.

Kelangan nyang mamroblema. Malakas ang loob ko na gawin ito kay Nathan dahil sya ang tipo ng lalake na ayaw ng clingy. Kaya nung pinalabas ko na may nangyari sa amin umalis ako agad sa hotel room.

Mas maganda na mag isip sya nang kung anong nangyari ng gabing iyon. At sinadya ko din na lagyan ng pampatulog ang alak nya para mahuli sya ng appointment kay Alfred. Naibalita sa akin ni Yanna na magkikita ang dalawa.

At ako din ang may gawa ng pagkaflat ng gulong nya. Well, ginawa ko yun para mas lalong stressful ang araw nya. *evil smirk.*

"Hi. Ready kana?" Tanong ni TH ng makapasok sa suite ko. Kagabi pa nag aaya na mag unwind kaya pumayag nalang ako.

Kinuha nya ang maliit na travelling bag ko at pinauna akong lumakad palabas.

Pagdating namin sa parking lot. Inalalayan nya ako makasakay sa sasakyan.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dito habang inaalis ang cap na suot ko. 

"Hindi kaba nahihirapan na kapag lumalabas balot na balot ka?" Sita nito.

"Kelangan ko to. Ayoko malaman nila na magkakilala tayo sa ngayon."

Mahirap na baka mapurnada pa ang plano ko.

Napabuntong hininga to. "I want to be proud in everyone na may kasama akong maganda. Kaso di ko maramdaman."

Napatingin ako dito. "TH ako din. Gusto ko din na ipakita sa buong mundo that I'm so lucky na may isang TH na nasa tabi ko."

The truth is, naguguilty ako dahil pakiramdam ko niloloko ko si TH dahil sa ginagawa ko kay Nathan. Nahahati ako kay TH at sa plano ko. Pero kelangan ko gawin ito. Matagal kong pinaghirapan gawin ang nga plano ko.

"Nakuha mo na ang gusto mo kay Alfred. So what next?" Muling tanong nito habang nag aantay kami na mag go signal.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon