Chapter 13

10.9K 119 8
                                    

13

Kanina pa ako nakatingin sa bintana ng cottage. Kanina makulimlim ang kalangitan pero ngayon mas makumilimlim pa. Nagbabadya na may bagyo at bubuhos na ang ulan ano mang oras.

Alas otso palang ng umaga pero iisipin mo na ala sais na ng gabi.

Tinungo ko ang pintuan ng may kumatok at nabungaran ko si Nathan.

"Hindi tayo makakauwi ngayon dahil masyadong maalon at baka matakot ka lamang." Imporma nito.

Concern naman pala to kahit papaano.

Oh. Nakalimutan ko palang banggitin na ang resort hotel nila Nathan ay narito sa isang isla sa Elnido at kelangan mo pang sumakay sa itinalaga nilang malaking bangka para makapunta sa bayan mismo ng Elnido.

Napabuntong hininga ako. May magagawa ba ako? " okay lang kesa naman na sumugod tayo pumunta ng bayan na ganito ang panahon." Sagot ko.

Kung tutuusin magandang pagkakataon na din na nangyari to para mas lalo kaming mapalapit ni Nathan pero may mga dapat akong asikasuhin sa Vision.

"Sure ka na okay lang ba sayo? Para di ka mabored mag movie marathon nalang tayo." Nakangiting aya nito at winagayway nito ang dala dala nitong mga DVD.

Natawa ako. "Prepared talaga?"

Tumawa din ang loko. "Syempre nakakahiya na nga na di tayo makakauwi ngayon tapos magmumukmok ka lang dito diba?"

"Sabagay. Dito ba tayo manunood?"

"Eh walang Dvd player yung room mo eh. Okay lang ba na sa room ko nalang?" Maingat na tanong nito.

Ah. Eh??? Ano daw?

Kwarto nito?

Ilang segundo na nakatitig lang ako sa kanya.

"Hindi naman kita gagawan ng masama kung yan ang iniisip mo pero kung mas komportable ka na dito sa room mo okay lang. Mag rerequest nalang ako ng player." Tapos tumalikod na ito.

Talaga naman! Hindi pa nga ako sumasagot nag dedesisyon na agad ito.

"Sandali! Sa kwarto mo na lang." Awat ko dito.

Tinitigan ako ng mataman. "Sure ka?" Paninigurado pa nito.

"Oo. May tiwala naman ako sayo na wala kang gagawin sa puri ko."

Tumawa pa ito. "Nah!! May Fiancee na ako kaya wag ka mag alala." Nakangiting assurance pa nito.

Yun na nga eh kelangan ko mag alala na di pa sya nahuhulog sa akin.

"Tara na. Saan ba yang kwarto mo?" Sabi ko dito sabay kapit sa braso nito.

Sera's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon