Action 9 - Smoocherific

109K 2.2K 111
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Viv's POV*

Nagising akong mag-isa sa kama kaya agad kong inilibot ang paningin sa paligid. Kinakabahan ako na baka panaginip ko lang ang nangyari kagabi pero mas natakot ako nung maisip ko na baka sinabi lang yun ni Kaz para mapawi ang lungkot na nararamdaman ko dahil sa sinapit ng aking ina. Oo nga pala, nasa ospital ang aking ina. Napakasama ko sigurong anak dahil mas naisip ko pa ang relasyon ko kay Kaz kaysa mag-alala sa sarili kong ina.

Tahimik ang buong silid kaya naisipan ko na lang na bumangon saka dumiretso sa banyo. Balak ko kasing puntahan si mommy sa ospital. Hindi sanay sa tahimik yun kaya sasamahan ko siya. Gusto ko rin kasi na nandun ako kung sakaling magising siya.

Nakabihis na ako nang bumaba ako ng hagdanan. Nakita ko naman si Kaz sa garden na may kausap sa kanyang cellphone. Didiretso sana ako sa kusina para magluto pero may nakita akong malaking regalo sa mesa. Napangisi ako nang makita ko kung para kanino ang regalo.

Agad ko itong binuksan. Hula ko, isa itong malaking stuff toy dahil hindi naman ito gaano kabigat pero napakunot ang noo ko nang makita kong isa pang mas maliit na kahon ang nasa loob nito. Palihim kong sinilip si Kaz na nasa garden pa rin. Agad ko namang binawi ang tingin ko dahil nakasulobong nito ang mga mata niya. Sinumulan ko muli ang pagbukas ng mas maliit na kahon at tulad ng una, dismayado ulit ako kasi isa na namang maliit na kahon ang nakapaloob nito.

Habang tumatagal, mas lalo akong naging sabik na malaman kung ano ang binibigay niya kasi lumiliit ang kahong binubuksan ko hanggang sa isang maliit na kahon na lang ito. Kinabahan ako nang makita ito dahil isa itong kahon na para sa isang singsing. Huminga ako ng malalim saka dahan-dahang binuksan ito. Napangiti na lamang ako nang makita kong isa lang kuwintas na may pendant na susi ang laman nito. Aaminin kong inasahan ko ang isang singsing pero masyado rin namang maaga para bigyan niya ako ng singsing dahil kakaamin lang namin sa mga nararamdaman namin para sa isa't isa kagabi.

Bumilis naman ang tibok ng aking puso ko nang maramdaman ko ang paglapat ng dibdib niya sa likod ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya at ramdam na ramdam ko ang paghalik niya sa aking buhok saka niya ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. Buhay ang diwa ko habang sinundan ang galaw ng kanyang mga kamay na ngayon ay dahan-dahang pumalibot sa katawan ko pero nagulat ako noong tinungo ng isa niyang kamay ang kaliwang kamay ko saka dahan dahang ipinasuot ang isang singsing.

"Kahit may suot ka nang wedding ring," bulong niya, "gusto ko pa ring isuot mo 'to para dalawang singsing ang magiging simbolo ng pagmamahal ko sa'yo."

"Ang korny mo, kengkoy," gikgik ko habang humilig ako sa kanya at siya naman ay nakayakap na sa akin.

"Lahat nagiging korny kapag nagmamahal, Thesis," naramdaman ko ang paghalik niya sa balikat ko, "at kahit magiging corn field pa ang bahay natin, hindi ko pipigilan ang maging korny mapaalam ko lang sa'yo kung gaano kita kamahal."

Napapikit ako sa paghigpit ng kanyang yakap at napangiti naman ako dahil sa paulit ulit niyang pagsambit sa katagang, "sixteen, sixteen," sabay maliit na halik sa balikat ko patungo sa leeg hangang sa tenga ko.

"Kengkoy," natatawa kong saad, "nakikiliti ako."

"Thesis," garalgal niyang saad, "gawa na tayo ng baby."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon