Lights 9 - Freak Mode On

108K 2.5K 131
                                    


*Viv's POV*

Tahimik kaming nakaupo ni Kaz sa hapagkainan habang naghahanda na si mommy Cassy.  Ang totoo, kanina pa ako naiilang sa sitwasyon namin dahil masyadong matanong si mommy Cassy at natatakot ako na baka magkamali ako ng sagot. 

"So," sabi niya habang nilalagay ang niluto niyang chicken adobo sa mesa, "magkakaroon na ba ako ng apo?"

"Mommy!" bulyaw ni Kaz.

"Why?" namaywang si mommy, "tinanong ko lang naman ah.  Besides, nagtataka talaga ako kung bakit biglaan ang pagpapakasal niyo.  Naisip ko lang na hindi kayo magdedesisyon ng biglaang kasal kung hindi buntis si Viv."

"H-hindi–" magsasalita sana ako pero pinigilan ako ni Kaz.

"We are not yet sure," saad ng katabi ko kaya agad ko siyang nilingon at inirapan.

"So ginawa niyo na talaga?" tanong ni mommy Cassy kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

"Don't you think it is awkward to talk about it, mom?" saad ni Kaz  habang inabot niya ang kamay ko at bahagyang pinisil ito, hudyat na dapat kong sakyan ang pinag-usapan nila.  I may be young but I am not naive kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin ni mommy Cassy.

"I-it's not–" magsasalita nanaman sana ako nang inunahan nanaman ako ni Kaz.

"Kung anuman ang mga nangyayari sa amin," lumingon siya sa akin sabay kindat, "sa amin na yun."

Naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko dahil sa narinig ko.  Is he really serious about pretending that we did it? Lakas talaga ng trip nitong taong 'to. 

"Oh sige," umupo sa tapat ko si mommy, "hindi naman sa ayaw kong magka-apo muna pero sana after your wedding, hindi muna kayo magka-anak," kinuha niya ang kanin at nilagyan ang plato ni Kaz, "mga bata pa kayo.  Mas maganda kung i-enjoy niyo muna ang isa't isa."

"Ay diyan tayo hindi magkakasundo balae," sumabat ang mommy ko na kararating lang, "may sakit ako at gusto ko sanang masilayan ang mga apo ko bago ako mamamatay."

"Mommy!" pagpigil ko sa kanya.

"It's okay, Viv. Inihahanda ko lang ang sarili ko," paliwanag niya.

"Si Viv lang ba ang anak mo?" tanong ni Mommy Cassy.

 "No. Tatlong babae ang anak ko.  Ang panganay ay isang doktor habang architect naman ang pangalawa," here she goes again; lagi na lang niyang pinamumukha sa akin na matatalino mga kapatid ko, na very successful sila at may mga napatunayan, habang ako – eto, freshmen pa rin sa Multimedia Arts at nagsisimula pa lang sa pag-aartista.

"Wow! May anak kang doktor," tanong ni mommy Cassy.

"Oh yes , I do!" pagmamalaki ng aking ina kaya hindi ko napigilang paikutin ang aking mga mata, "in fact she is one of the best cardiologist.  Yun nga lang, dahil sa sobrang na-inlove siya sa siyensa, mas napagtipunan niya ng pansin ang pagiging doktor kaysa mag-asawa."

Umupo si mommy sa tapat ni Kaz at nagpatuloy sa pagsasalita, "yung pangalawa ko naman, minsan nang nag-asawa pero nagkahiwalay dahil mas mahal nito ang pagiging architect niya kaysa sa naging asawa niya. Nabigo ako na magkaroon ng apo sa dalawa kong mas nakakatandang mga ana kaya  nung nalaman kong ikakasal ang buno ko, sobra akong nagpasalamt," tumigil siya para ngumiti sa akin, "dahil alam kong sa pagkakataong ito, hindi na ako mabibigo at sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng apo."

"Naku balae," natawa si Mommy Cassy, "hindi natin yan pweding pag-usapan dito dahil naiilang ang mga bata."

"Naiilang?" napakunot ang noo ni Mommy Charm, "we are in the new millenium at saka mag-aasawa naman yang dalawang yan."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon