Camera 9 - Complicated and Stupid

98.1K 2.1K 252
                                    


*Kaz's POV*

Hindi ko alam kung bakit nainis ako nang makita kong madaling nagkasundo sina Vivi at Dee-lan kagabi. Marahil dahil inisip kong para ko nang kapatid na babae si Vivi at ayoko siyang mapalapit kay Dee-lan dahil kilalang mahilig sa fling relationship si Dee-lan. Ginagamit kasi nito ang pagiging photographer niya para mapalapit sa mga bibiktimahin niya at sa nangyaring kulitan nila sa deck ng yacht kagabi, halatang si Vivi nanaman ang target niya.

"Kengkoy, kailan ka babalik?" tanong niya mula sa likod ko.

"Baka bukas na ang uwi ko," malamig kong sagot.

"Bukas?" naramdaman ko ang paglapit niya, "eh paano yung family dinner natin sa parents ko?"

Napasapok ako sa noo ko dahil nakalimutan kong ngayong gabi pala ang dinner na yun, "Bakit hindi mo pinaalala sa akin?"

"Eto na nga," nagkibit balikat siya, "pinaalala ko na sa'yo."

"Hindi na ako makaatras sa schedule na'to. Nakapag-Oo na ako sa management na sasama ako sa Boracay show," saad ko, "tatawag na lang ako sa Daddy mo. Ipapareschedule ko na lang ang dinner," saad ko habang kinuha ang cellphone ko.

"Hindi mo ba talaga pwedeng tanggihan yan? Special dinner kasi yun kasi birthday ni mommy," sumunod siya sa akin.

"Thesis," hinarap ko siya, "masanay ka na okay? Gusto mong sumikat di ba? Well then this is the kind of life you want to be in."

Ilang ring lang at agad namang sinagot ni Mommy Charm.

"Kaz, hijo, napatawag ka," sagot ni Mommy Charm.

"Oo nga po, Mommy," saad ko, "biglaan kasing napasama ako sa show namin sa Boracay kaya baka hindi po ako makarating sa dinner mamaya."

"Ganoon ba," halatang nalungkot ang boses niya kaya bahagya akong nahiya sa ginawa ko, "okay lang. Mabuti at napatawag ka kasi balak talaga ng daddy ni Vivi na isasabay na lang sa anibersaryo ng resort ang birthday ko kaya simpleng dinner lang sana ang magaganap mamaya pero dahil hindi ka makarating, hindi na lang ako maghahanda at aasahan ko na lang na you will free your schedule next week."

"Okay po," sagot ko, "ipapa-block ko po ang schedule ko next weekend. Sasabihin ko na rin po kay Roger na ilagay po sa itinerary ko ang pagdiriwang ng birthday mo at ng anibersaryo ng resort niyo next week."

"Hindi nagtampo si mommy?" halatang nag-aalala si Vivi na lumapit sa akin.

"Huwag kang mag-alala,"saad ko habang nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit ko, "babawi tayo sa mommy mo pag-uwi ko galing Boracay. Sosorpresahin natin siya."

Napansin ko ang buntong hininga niya saka siya yumukong naglakad palabas ng silid namin. Wala akong panahon para ipaliwanag sa kanya ang lahat kaya agad kong kinuha ang gamit ko at dumiretso na sa main door.

"Hindi ka ba kakain?" sumunod sa akin si Patricia.

Ngumiti ako saka sinabing, "Hindi na, may inihandang pagkain sa studio."

Naramdaman ko ang pagsunod ng dalawang babae habang nagmadali akong nilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan. Abala ako sa paglagay ng mga kagamitan ko nang biglang sumigaw si Vivi, "Ate Pat!" Agad akong tumingin sa kanila at nakita kong hinimatay si Patricia habang nakahawak naman sa kanya si Vivi.

Nataranta ako sa nakita ko kaya agad ko silang pinuntahan at binuhat si Patricia papasok sa bahay.

"Kengkoy, ako na ang bahala kay ate Pat," nagmadaling sumunod si Vivi nang maipasok ko na si Pat sa silid niya, "baka mahuli ka sa biyahe niyo."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon