Lights 1 - Engaged?!

257K 4.5K 295
                                    

*Viv's POV*

Sobrang nakakapagod ang ginawa kong opening number kanina. Paano naman kasi, pinagsabay ko pa ang sayaw at kanta. Naaasiwa din ako sa suot kong leather suit na sobrong hapit sa katawan at idagdag pa ang high heeled leather boots. Gusto ko na talagang mag-shower kaagad kasi nalalagkitan na ako sa pawis ko na dumidikit sa suot ko.

Mabuti na lang at alam na alam ko ang studio. Hindi naman kasi bago sa akin ang lugar na ito dahil dati naman kaming nagtatanghal dito ang kaibahan lang ngayon ay mag-isa na lang ako. Dati akong miyembro ng sikat na international performing group na The Lost Music Band pero nagkahiwa-hiwalay na kami. Dalawa kaming nagpatuloy sa showbiz, Si Aries na lead singer naming at ako na dating drummer ng banda.

Magkaiba naman ang landas namin ni Aries dahil bilang lead singer ng banda namin, agad siyang natanggap ng mga tao at patuloy pa ring sumisikat internationally. As for me, I still have to prove myself kaya eto ako, kahit noontime show kailangan kong suotin itong mainit na leather suit para sa opening act.

Hinanap ko yung dating dressing room namin dahil ang alam ko yun lang ang may sariling bath tub sa banyo nito; yung iba kasi shower lang. Kailangang ko kasing ibabad sa mainit na tubig itong paa kong parang pinarusahan dahil sa suot kong high-heeled boots.

Nang makapasok, agad kong hinubad ang leather suit at pumunta agad sa banyo. Ilang oras din akong nagbabad sa maligamgam na tubig at dahil wala akong gamit dito, naisipan kong manghiram nalang ng costume sa closet. Naalala kong wala rin pala akong towel na dala kaya nagkibit balikat na lang ako at naglakad ng hubad papuntang closet.

Nasa gitna ako ng dressing room nang, "Eeeeek!" tumili ako dahil biglang bumukas pinto at pumasok ang hindi ko kilalang lalaki.

"Anong ginagawa mo dito?!" bulyaw ko sa isang mala-Greek god na nilalang sa harapan ko. Waah! Nakahubad ako, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong matabunan ang hinaharap ko o ang ibaba kong kaka-shave ko pa lang.

"Th-this is m-my d-dressing r-room," nauutal niyang sabi habang malagkit namang nakatingin sa kahubdan ko.

"Huwag kang tumingin!" bulyaw ko ulit habang na ako magka-undagaga kung paano ko matatakpan ang katawan ko.

"Sh*t!" tumalikod siya pero sa salamin naman siya tumingin kaya nakikita pa rin niya ako. Agad naman akong kinabahan nang hubarin niya ang polo niya. My gosh! Sana tunay na lalaki 'tong kaharap ko kasi karamihan sa nakilala kong ganito kasarap ang katawan ay mga closet queens o di kaya, pumapatol sa bakla. Aist! Ano ba 'tong naiisip ko.

"Lumabas ka, bastos ka!" galit na utos ko sa kanya pagkatapos kung kunin sa kanya ang kanyang polo at isinuot ito. Lupa, lamunin mo na ako! Nararamdaman ko na na ang lahat ng dugo ko ay umakyat na sa ulo. Pakiramdam ko kung itatabi ako sa nagkumpolang kamates ay hindi na ako makikilala.

"Ano? Paano ako lalabas eh nasa sayo yung polo ko," Oo nga pala, mas lalong nakakahiya sa labas kung malaman nilang pareho kaming hubad dito pero mas uminit ang ulo ko nang makitang nakatitig siya sa mga hita ko.

"Bastos!" agad kong tinakpan ang hita ko.

"Vivienne!"

"Kaz!"

"Ano ba ang nangyayari jan?"

"Buksan niyo ang pinto!"

Pareho kaming nakatingin at nataranta dahil narinig naming nagkagulo na sa labas. Maingay kasi itong manager ko na si Louwinsky kaya ayan, mas lalong nataranta si Greek god.

"Saan ba ang damit mo?" tanong niya sa akin.

"Nasa likod mo!" itinuro ko ang isang damit na nakita ko kanina sa closet. Yun talaga ang balak kong suotin, nakalimutan ko lang talaga na hindi pala akin itong dressing room na ito.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon