Action 20 - SWAK (Sealed With A Kiss)

124K 2.2K 222
                                    

*Kaz's POV*

Hindi ko alam kung ilang beses akong napatingin sa relos ko. Hindi na ako mapakali dahil malapit na ang check-in time pero wala pa rin si Vivi.

"Kaz, ten minutes na lang," bulong ni Roger.

"Alam ko!" hindi ko napigilan ang inis ko habang tumayo, "ano ba ang balita?"

"Tumawag si Marco," saad ni Roger, "sabi niya nakaalis na daw ng simbahan sina Angelo."

"Kalma ka lang, Kaz," tinap ni Dee-lan ang balikat ko, "nangako si Angelo sayo. Hintayin na lang natin sila."

"Tawagan mo si Angelo," utos ko kay Roger na agad namang kinuha ang kanyang cellphone.

Nakapamaywang akong nakatingin kay Roger na ngayon ay pabalik-balik ng tingin sa sahig at sa akin. Alam kong hindi magandang balita ang gesture na yun pero umaasa pa rin akong sana sa pagkakataong ito, may magandang dahilan ang mga tingin na yun. Ngunit bagsak balikat na binaba ni Roger ang cellphone niya.

"Hindi niya sinasagot ang tawag ko," saad ni Roger.

Mariin akong napapikit dahil sa narinig ko.

"Baka natraffic lang o kaya nagkaproblema sa daan?" saad ni Dee-lan saka sabay kaming napatingin sa PA nang inannounce nito na kailangang na kaming mag-check-in para sa flight namin.

"Mauna na kayo," saad ko.

"Kaz," kinabahang saad ni Roger.

"Hihintayin ko si Vivienne," mariin kong saad, "kung kinakailangang maging chance passenger kami sa next flight, gagawin ko, basta hindi ako aalis ng bansa na hindi kasama si Vivienne."

"Paano yung balak natin?" tanong ni Dee-lan.

Napabuntong hininga ako saka ko sinabing, "bahala na," pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Dee-lan, "Si Roger na muna bahala sayo. Huwag kang mag-alala, pagdating natin sa London, tutulongan kitang hanapin si Sarah."

"Kaz, delikado ang balak mo," saad ni Roger, "bukas pa ang next flight. Baka maabutan kayo ng mga tauhan ng daddy ni Vivienne."

"Eh di lilipad kami kung saang bansa kami pwedeng lumipad," saad ko, "basta hindi ako aalis ng bansa na hindi kasama si Vivi."

"Mag-ingat ka, pare," tinap ni Dee-lan ang braso ko.

"Kung sakaling hindi niyo maabutan ang flight," inabot saken ni Deelan ang isang calling card, "sa Japan na kayo pumunta. Nandun si Dessa."

"Salamat, pare," saad ko habang tinanggap ang calling card na bigay niya.

"Darating si Vivi, pare," saad niya.

"Alam ko," sagot ko.

Buntong hinga akong nakatingin sa kanila habang nilalakad nila ang daan papunta sa check-in counter. Ang totoo, hindi ko alam kong kaya ko bang alagaan si Vivi na mag-isa. Pero para sa kanya, kakayanin ko ang lahat. Sabay naming haharapin ang pagsubok na ito.

"Kengkoy!" bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya.


*Vivi's POV*

Naghuramentado ang puso ko habang nilalandas ko ang daan patungo sa departure area ng airport. Alam kong pinagtitinginan ako dahil nakawedding gown akong naglalakad sa loob ng airport.

"Di ba si Vivienne Charmaine Sy yun?" may narinig akong mga nagtatanong pero wala akong pakialam. Isa lang naman ang pakay ko, ang maabutan si Kaz.

"Miss Vivi, painterview ka sandali," humarang ang isang babaeng may kasamang cameraman.

"Miss Vivi, saan ka pupunta?" tanong naman ng isang kakalapit lang na reporter.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon