Camera 6 - Couple's Day Out (1)

103K 2.2K 135
                                    

*Vivienne's POV*

Nakangiti akong gumising ngayon dahil pinanghahawakan ko ang pangako ni Kaz na hindi niya ako aawayin ngayong araw na'to. Ngayon din nakatakda ang couple's day out naming kay sobrang excited umunat.

"Excited?" napalingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko kaya hinarap ko siya at ningitian, "I'll take that as a yes."

Hindi na ako kumibo bagamat hinintay ko na lang ang paglapit niya para halikan ako. Ang sarap talagang magising sa umaga kapag ngiti niya ang sumasalubong. Pumikit ako para mas lalo kong manamnam ang good morning kiss niya.

"Thesis!" nasira ang moment ko, "gising na! Nakangiti ka nanaman diyan. Para kang baliw."

"Hindi ba pwedeng maganda lang ang panaginip ko kaya ako nakangiti? Ang harsh mo naman para tawagin akong baliw," napasimangot ako.

"Sorry na," natatawa niyang saad, "bumangon ka na baka mahuli tayo sa schedule," sabi niya habang patayo na siya mula sa kama.

Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Nainis ba ako dahil hindi natuloy ang halikan namin sa panaginip ko? Bakit naman ako maiinis? Araw-araw at gabi-gabi ko nga siya nahahalikan eh. Mabigat ang katawan kong bumangon. Tama ang panaginip ko, ngayong araw nakatakda ang gaganaping couple's day out namin pero mali ito sa parteng nangako si Kengkoy na hindi niya ako aawayin. Kakasimula pa nga lang ng araw ko, sinira na niya.

"Thesis, ano ba?" tawag niya, "Hihilahin pa ba kita papuntang banyo o ikaw na maglalakad mag-isa?"

"Ito na po," padabog akong tumayo saka siya inirapan bago ako pumasok ng banyo.

"Huwag masyadong magtagal ha," paalala niya, "dahil maliligo pa ako."

'Kung sumabay ka na lang kaya,' bulong ko sa isip ko bago ko isinirado ang pinto ng banyo.

Agad akong nag-ayos pagkatapos kong maligo. Sa mall ang punta namin kaya simpleng casual attire ang suot ko. Ayoko namang mag-overdress dahil baka pagtawanan naman ako ni Kengkoy. Ibang klase kasi ang taong yun, lahit na mali sa akin napupuna niya.

"Ready?" tanong ni Roger nang makita niyang bumaba na si Kaz mula sa silid namin.

"Ready," kompirma ni Kaz saka niya ibinaling kay Patricia ang pansin, "I'll make it up with you next time."

"It's okay. Darating naman si Janine kaya sa kanya na lang ako magpapasama," sagot naman ni Patricia.

"Well then I'll see you tonight," saad ni Kaz saka niya hinalikan sa pisngi si Patricia. Umikot naman ang mga mata ko dahil sa nakitang eksena. Mas mag-asawa kasi silang tignan kaysa sa amin ni Kaz. Ang totoo, gusto kong mainis kay Patricia pero wala akong magawa. Unang-una, nilinaw na sa akin ni Kaz na si Patricia talaga ang mahal niya. Pangalawa, wala akong karapatan dahil peke lang naman ang kasal namin. Pangatlo, wala akong binatbat sa isang Queen of Temptresses na kahit mugto na ang mga mata sa kakaiyak, maganda pa rin.

"Mauna ka na, Vivi," iginiya ako ni Roger palabas ng sasakyan, "Kaz, let's go."

Hindi ko na narinig ang sagot ni Kaz dahil nagmadali akong lumabas. Hindi ko na siguro kakayaning panoorin ang dalawa. Tumungo ako agad sa sasakyan at pumwesto sa lugar kung saan ako lagi nakaupo. Ilang sandali pa ang lumipas at pumasok na sa sasakyan si Kaz.

Sandali lang ang biyahe papunta sa mall. Hindi naman kasi traffic kaya mabilis naming narating ang aming destinasyon.

"Alam niyo na ang gagawin niyo," paalala ni Louwinsky, "may nakatambay na ring civilian guards sa paligid kaya huwag kayong mag-alala. Kung sakaling magkagulo, huwag lang kayong maghiwalay at ang civilian guards na ang bahala."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon