Camera 11 - Mars versus Venus

110K 2.1K 200
                                    


*Kaz's POV*

Hindi ko alam kung gaano katagal ang halikang pinagsalohan namin hanggang sa may narinig kaming mga yabag sa hagdanan kaya natauhan si Vivi at bigla na lang akong tinulak.

"Bakit mo ako hinalikan?" agad niyang tanong.

"Bakit ngayon ka lang nagreklamo?" tanong na sagot ko.

Napatadyak siya sa inis na ikinangiti ko naman kasi ang cute niya kapag naiinis siya.

"Aist! Nananadya ka ba?" inis na nilagpasan niya ako para kumuha ng tubig sa water dispenser.

"Reklamo ka pa, nagustohan mo naman," bulong ko sa sarili pero sinadya kong marinig niya.

"Ay hala! Eh siya kaya 'tong nanghalik. Ang sabihin niya, gusto lang niyang maka-score," kunwari'y bulong niya rin sa sarili pero halatang pinarinig din sa akin.

"Kunwari pang naiinis eh gusto rin naman niyang mahalikan," bulong na sagot ko sa sarili pero pinarinig ko pa rin sa kanya.

"Aba ako ba ang nanghalik? Hindi naman ah. Kaya hindi ako ang gustong mahalikan, tumugon lang ako dahil baka naisip niyang makikita kami ng mga paparazzi," kausap niya ang sarili pero naririnig ko naman.

"Paparazzi pa ang ginawang dahilan. Eh wala namang paparazzing makaabot sa bandang ito ng bahay," pang-aasar kong sagot.

"Eh bakit mo nga ako hinalikan?" padabog niyang saad.

"Eh bakit hindi mo ako pinigilan?" pang-aasar ko sa kanya.

"Nag-away na naman ba kayo?" sabat ni Patricia.

"Wala!" sabay naming sagot saka nagtama ang mga mata namin.

"Alam niyo, para kayong mga aso't pusa. Ang kyu-cute niyo," aliw na saad ni Patricia.

"Kumain na nga tayo," agad na sabi ni Vivi na ngayon ay umupo na sa hapagkainan, "nagugutom na ako."

"Kaya pala namaga 'tong labi ko, lakas mong makasipsip," pang-aasar ko.

"Loko!" bulyaw niya sa akin, "Ate Pat, oh," napangisi ako dahil para siyang batang nagsumbong sa ate niya.

"Huwag ka ngang mang-asar Kaz!" natatawang saad ni Patricia.

Tumawa ako ng malakas saka tinungo ang coffee maker para maghanda ng kape.

"Vivi, ano yang ginagawa mo?" narinig kong tanong ni Pat kaya napasilip ako sa gilid ng aking mata. Nakita kong may hawak na tinidor si Vivi at itinapat niya ito sa mata niya na parang humahawak lang ng lense at may sinusuring bagay.

"Kinukulong ko si Kengkoy," sagot sa kanya ni Vivi. Napakunot noo akong nagsalin ng kape sa tasa habang iniisip kung paano niya ako kinukulong sa ginagawa niya.

"Paano siya nakulong sa ginagawa mo?" nagpasalamat ako dahil itinanong ni Patricia ang siya ring tanong ko.

"Ate kumuha ka ng tinidor," sabi niya, "ayan, itapat mo sa mata mo."

Sinilip ko sila at nakita kong sinunod naman ni Patricia ang sinabi ni Vivi. Hindi ko napigilang lihim na mapangiti dahil ang cute nilang tignan.

"Tapos?" inosenteng tanong ni Patricia habang pareho na silang may hawak sa tinidor.

"Titigan mo siya habang nakaharang ang tinidor at isipin mo na yung tinidor ay yung rehas na nagkukulong kay Kengkoy," muntik akong masamid dahil sa nakakatawang narinig ko mula kay Vivi pero ayokong mahalata kaya nagpanggap akong mainit ang aking ulo.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon