Lights 6 - Sugar Coated

121K 2.2K 91
                                    

*Kaz's POV*

"Ipikit mo ang mga mata at isipin mong may kahalikan ka," utos ko sa kanya na ginawa niya naman.

Pinagmasdan ko kung paano niya pinag-aralan ang paghalik sa apple.  Ang totoo, gusto ko lang siyang pagkatuwaan pero nung makita kong sineryoso niya ang ginagawa niya, nakonsensya ako. 

"Ibaling mo na lang kay Viv ang atensiyong gusto mo sanang ibigay kay Patricia," naalala kong saad ni Roger, "it is like targeting two birds, mapapakilig niyo ang fans niyo and at the same time, unti-unti mo ring makakalimutan si Pat."

Lumapit ako dahil gusto kong subukan.  Gusto ko nang pakawalan si Patricia.  She does not belong to me; I have to find myself.  Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at hinarap ako.  Hindi ko namalayang sobrang lapit ko na pala. Ilang sandali ko siyang tinitigan.  Gusto kong malaman kung para saan ang kakaibang pagtibok ng aking puso.  Gusto ko na ba siya o sadyang kinabahan lang ako?

"Viv, aali— " napukaw ako sa realidad, "ahm—aalis lang muna kami, bibili lang ng pizza," saad ni Louwinsky saka tumalikod, "At ahm," lumingon siya ulit sa amin, "ipagpatuloy niyo lang ang pagpa—"

"Louwinsky!" sambit ni Viv na nagpapatawa sa akin.

"Y-yeah right," nagmadali siyang umalis pero bago sila lumabas ng condo, narinig namin siyang sumigaw, "Magandang gawain yan pero nakakaadik!"

"Loko talaga 'to si Louwinsky," reklamo niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.  Muntik ko na siyang halikan.  Muntik ko na siyang paasahin.  Ayokong gamitin si Viv para makabangon sa pagkalugmok ko kay Patricia.  Ayokong maging dahilanng unang pagkabigo niya sa pag-ibig.

"Ahm, Viv," saad ko, "sorry sa ginawa ko kanina. Sige sa salas muna ako, manonood lang ako ng TV."

Bumontong hininga ako habang paalis ng kusina, 'Maging matatag ka sana, Viv,' bulong ko sa isip ko. 'huwag mo sanang hayaan ang puso mong mahulog sa akin dahil baka hindi kita masalo.'


*Viv's POV*

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa isipang ilang araw na lang ay gagawin na namin yung halikan sa harap ng maraming tao.  I want it to be perfect kaya araw-araw akong nagpraktis sa apple.  Hindi ko rin inalam kung bakit apple ang pinagpraktisan ko dahil ang mahalaga, natuto akong humalik. Nasa condo ako ngayon ni Kaz dahil napag-usapan namin na ngayon na namin susubukang maghalikan. 

Ang totoo, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.  Paano kung hindi tama ang gagawin ko? Eh di aasarin nanaman niya ako. Paano kung magustohan ko ang gagawin naming? Ed di ako ang kawawa.  Paano kung mabitawan ko ang sarili ko? Aist! Ano ba tong iniisip ko.  Siyempre hindi niya ako sasalohin kaya hindi ako dapat magpaepekto sa pagpapacute niya at pagpapalambing.  Acting lang ang lahat kaya hindi ako dapat mahulog sa kanya.

Sisimulan na sana namin ang pagpraktis nang dumating ang kanyang mga barkada kaya napilitan akong umalis muna sa salas.  Hindi ko ugaling makinig sa mga taon nag-uusap pero hindi ko rin mapigilan ang sarili ko lalong lalo na nang marinig kong si Patricia ang pinag-usapan nila.

"Pare, alam kong mahal mo si Patricia," narinig kong nagsalita ang kaibigan niya, "pero alam mong mahal pa niya ako. Mahal ko siya, Pare. Ibalato mo na ito sa akin.  Hindi para sa akin, pero para kay Patricia."

"Papayag ako sa isang kondisyon," hindi ko alam kung bakit kinabahan ako, "huwag mong hayaang masaktan siya muli. Pagbibigyan kita hindi lang dahil mahal ko si Patricia," hindi ko alam kung bakit parang may kirot akong naramdaman nang marinig ko yun, "kundi dahil pinahalagahan ko ang pagkakaibigan natin. Ako na ang nagsusumamo sayo, Stuart, ingatan mo si Patricia dahil ikaw tanggap ko na rin na ikaw ang kaligayahan niya," napahanga niya ako sa sinabi niyang iyon.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon