Lights 5 - Coloured Kisses

134K 2.6K 109
                                    

Please like the Adonis Series Fanpage on facebook at   https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Or join us at   https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/

*Viv’s POV*

Kumapit ka dahil hindi ko maipapangakong masasalo kita,” naalala kong sambit niya bago namin ginawa ang kalokohang sky diving.

Hindi ako mahuhulog,’ mantra ko sa sarili, ’little sister lang ako kaya hindi ako pwedeng mahulog.’

Buong umaga ko na ata binalik-balik ang mantrang yan para magtanda ang puso at isip ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa kabaitan niya dahil ganun naman talaga ang mga playboy.  Kunwari they cared pero binibigyan ka ng babala para kung sakaling mahulog ka, masasabi nilang, ”binalaan na kita.”

Vivienne CharmaineSy!” pukaw ni dragonesa sa isip ko, ”nakikinig ka ba?

Para ka naman kasing pirated cd.  Rinig na rinig ko ang sinabi mong gagawin naming commercial.  Toothpaste lang yun.  Ngingiti lang ako at ipakita ang mga magagandang ngipin ko at tapos na,” nagkibit balikat ako.

So hindi ka nga nakinig?” inirapan niya ako habang hindi na lang ako kumibo, ”hindi basta-basta lang ang commercial na gagawin ninyo ni Kaz dahil higit lang sa ngumiti at magpa-cute ang gagawin niyo!

Ah gets ko na,” sabat ko, ”magpapaka-sweet na naman ako kay Kaz.

Hindi ka lang magpapakasweet, Viv.  Tandaan mo, ikakasal na kayo ni Kaz,” napahalukipkip siya.

Eh ano ngayon kung ikakasal na kami? Ano ang kinalaman nun sa commercial?” sumandal ako sa sofa.

Ibahin mo ang commercial ng Close-up sa iba.  Bilang engaged couple, kayo ang napiling magpromote ng summer lovapalooza,” pasimple niyang sambit.

Ano?!” bumilog ang mata ko sa narinig ko, “Paano nagkaroon ng lovapalooza sa summer?

Kaya nga pinapunta ko dito sina Kaz at Roger para mapag-usapan natin ito,” napasalampa siya sa sofa.

Biglang umiba ang kabog ng aking dibdib nang marinig ko ang pangalan niya.  Ganun na ba kadesperado ang taong yun at pati first kiss ko ay aangkinin na niya?

Lou,” naka-pout ang lips kong sabi, ”huwag kang pumayag.”

Yun nga ang problema natin eh,” kamot niya sa ulo, ”hindi ko kasi masyadong naintindihan ang sinabi ni Roger kaya, ano,” nag-aalangan niyang sabi.

Ano?” nagtaka ako.

Kasi, ano,” yumuko siya, ”pinirmahan ko na ang kontrata.”

You WHAT?” napatayo ako sa narinig ko, ”Are you insane? Alam mo namang kahit kalian hindi ko pa narasang humalik di ba?”naglakad ako habang mariing hinilamos ang kamay sa mukha, ”maybe we can play witht the camera trick,” suhestyon ko.

Yun ang hindi pwede!” sabat ni singkit na kakarating lang.

Are you out of your mind?” galit kong sambit, “I mean, gosh! That’s a kiss, people!

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon