Action 16 - Watch Me Burn

98.1K 1.9K 170
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Vivi's POV*

Blanko ang isip kong nakatitig sa salamin. Ngayon ang nakatakdang araw upang harapin ko ang anak ng prime minister ng Singapore. Isang araw na kilalanin namin ang bawat isa at pagkatapos ay pag-usapan ng mga magulang namin kung dapat ba kaming ikasal o hindi. Gusto kong maiyak pero natuyo na ata ang mga luha sa mga mata. Ilang gabi na rin kasi akong lihim na umiiyak dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na iniwan na ako ni Kaz. Tatlong araw mula noong umalis ako sa bahay namin, nagdesisyon siyang lumipad sa London ng walang paalam.

Gusto kong isipin na baka emergency ang pag-alis niya kaya hindi siya nakapagpaalam ngunit wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya. Dalawang linggo ang lumipas pero wala akong natanggap na mensahe mula sa kanya.

"Vivi," mahinang tawag sa akin ng aking kapatid, "I am really sorry. I should have been in your place."

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "wala na tayong magagawa Ate Violet. Nangyari na 'to. Hindi na natin maibabalik ang nakaraan."

"I was being selfish," lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay, "sana inisip ko na ikaw ang sasalo sa tinakasan kong tungkolin."

"Ate," pinilit kong ngumiti, "I am fine. Really, I am fine."

Tumango si ate saka pinunasan ang nakawalang luha sa pisngi, "kung sakaling matuloy ang kasal niyo, huwag kang pumayag na dito sa Pilipinas gaganapin ang kasal. Sa Singapore kayo magpakasal dahil may divorce sila doon."

"Ayoko muna yang isipin," itinago ko ang aking lungkot sa likod ng aking ngiti, "mangyari kung ano man ang nakatakdang mangyari. Sa ngayon, I will just go with the flow."

Magsasalita pa sana si Ate Violet pero nakarinig kami ng katok sa pinto, "Miss Vivi?" saad ng taong nasa likod ng pinto, "parating na daw po si Mr. Jong. Bumaba na raw po kayo."

Sandaling nagtama ang tingin namin ng kapatid ko saka ako pumihit para kunin ang purse ko na nakapatong sa side table ng kama. Napatigil naman ako nang makita ko ang wedding ring namin ni Kaz na nakalapag sa mesa. Umaasa pa rin ako na babalik siya. Umaasa ako na darating siya sa tamang oras. Umaasa ako na mas mananaig pa rin ang pagmamahal niya para sa akin.

"Miss Vivi," salubong ng attendant ng hotel, "hinihintay na kayo sa opisina ng Dad mo."

Tumango ako bilang sagot sa kanya saka naglakad papuntang opisina ni Dad. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Ate Violet sa kamay ko. Ang totoo, gusto kong lumayas. Gusto kong makawala pero saan naman ako pupunta? Kung siguro hindi umalis si Kaz, baka maisipan ko pang makipagtanan sa kanya, kaso una siyang sumuko.



Sabay kaming bumuntong hininga ni Ate Violet bago pumasok sa opisina ng ama ko. Agad naman naming nakita ang ilang kalalakihang nakaupo sa sofa sa loob ng opisina. Ini-isa isa ko sila para malaman ko kung sino sa kanila ang posibleng maging asawa ko ngunit hindi ko mahula kung sino sa kanila. Halos kasing edad lang kasi sila at pare-parehong mga binata tignan.

"Mr. Jong," saad ni Dad habang tumayo ito, "this my daughter, Vivienne Charmaine Sy. Vivi, meet Mr. Keith Jong."

"Nice meeting you," tumango ako saka ko nilahad ang aking kamay. Yumuko muna siya bago bahagyang lumapit upang tanggapin ang nakalahad kong kamay.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon