Action 8 - The Call

102K 2.3K 137
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)



*Kaz's POV*

Mabilis naming narating ang ospital at agad namang bumaba si Vivi sa sasakyan matapos kong iparada ito. Agad ko naman siyang hinabol pero hindi ko siya pinigilan. Alam kong sobra ang pag-alala niya sa kanyang mommy. Hindi man sila magkasundo sa maraming bagay, alam kong mahal nila ang isa't isa.

"Si Mommy!" tanong niya sa mga kapatid niya.

"Vivi," umiiyak na saad ni Vanity.

"Why didn't you tell me?!" bulyaw ni Vivi, "bakit hindi niyo sinabing ngayon ang operasyon niya?"

"Ayaw kang pasabihan ni mommy dahil baka raw mag-alala ka," umiiyak na sagot ng kapatid niya.

"How dare she decide things for me?!" inis na iniwasiwas niya ang kamay sa ere, "lagi na lang niya akong pinangungunahan."

"Vivi, it is for you,"saad naman ni Violet, ang kapatid niyang doktor.

"For me? Bakit, ate? Bakit niya ipagkakait sa akin ang makausap siya bago ang operasyon niya?" nakita ko ang matapang na Vivi; ang Vivi na walang kinatatakutan; ang Vivi na palaban.

"Now tell me? What chances do I have to speak with my mother now that she is in comma?" galit na titig ang iginawad niya sa kapatid niyang doktor.

"I-I'm s-sorry," umiiyak na saad ni Violet.

"Nasaan na si mommy?" halatang pinipilit niyang pakalmahin ang sarili.

"She's in the ICU," mahinang sagot ng kapatid niya.

Walang imik na dumiretso si Vivi sa ICU. Alam kong kailangan niyang mapag-isa kasama ang kanyang ina kaya sinundan ko lamang siya ng tingin.

"Kaz," ginising ako ni Vanity, "hindi pa lumalabas si Vivi sa ICU," nag-alalang saad nito, "I think you need to bring her home. Alam kong pagod kayo kaya kailangan niyo na ring magpahinga."

Tumango lang ako saka ako tumayo para puntahan si Vivi sa ICU. Nagsuot muna ako ng hospital gown saka pumasok sa silid pero natigilan ako sa nakita ko.

Nakahigang tumabi si Vivi sa mommy niya habang kinakantahan niya ito ng "Mama" ng Spice Girls. Tahimik akong lumapit sa kanya saka sinabing, "Thesis, you need rest."

"No," mariin niyang sagot, "I am not leaving this place until she wakes up."

"Vivi, baka makasama rin yan sa mommy mo," paliwanag ko.

"Alam mo ba kung ilang beses kaming nag-aaway sa tuwing magkakasama kami?" tanong niya na hindi ako nilingon, "we fight almost every minute of the day."

"I hated her for taking control over my life," saad niya, "pero natatakot na ako ngayon dahil alam ni mommy lahat na dapat kong gawin. She practically decides everything for me kaya ang unfair niya. Anong gagawin ko kung mawawala siya? Hindi niya ako tinuruang tumayo para sa sarili. She is so selfish for doing this to me."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya nanatili nalang akong tahimik sa tabi, "Mommy," daing niya, "gumising ka na, please," saad niya na parang batang humihingi ng pabor sa ina.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon