Lights 10 - Holding Back

102K 2.4K 118
                                    


*Kaz's POV*


Nakabalot siya sa kumot nang lumabas ako sa banyo kaya hindi ako nahirapang humiga sa tabi niya. Ang totoo, hindi ako mapakali sa sitwasyon namin. Kahit kapatid ang turing ko sa babaeng katabi ko, lalaki pa rin ako kaya hindi ko rin maiwasang mailang sa posisyon namin. Pipikit na sana ako nang maramdaman ko siyang gumalaw.


"Kengkoy?" nagsalita siya.


"Matulog ka na, Thesis!" sinungitan ko siya.


"Kengkoy, giniginaw ako," kahit hindi ko siya nakita alam kong nakanguso siyang nagsalita. Kung siya giniginaw, ako naiinitan pero ayokong iparamdam sa kanya na may kakaiba akong nararamdaman kaya kinuha ko ang remote control ng AC at in-adjust ang temperature.


Akala ko matutulog na siya pero ilang beses pa rin siyang gumagalaw na para bang naiinis kasi hindi siya makatulog. Bumiling ako para kausapin siya pero nagkamali ata ako sa ginawa ko dahil tumambad sa akin ang hindi ko dapat makita kaya bumalikwas ako at umupo sa gilid ng kama.


"Kengkoy, hindi ako komportable sa suot ko," saad niya.


'Ako rin hindi ako napapakali sa suot mo,' sa isip ko.


"Namimiss ko rin ang tweety bird ko. Wala akong mayakap," patuloy niya.


'Ako na lang este unan na lang,' kainis talaga 'tong utak ko.


"Hindi ako makatulog na ganito ang suot," reklamo niya.



'Buhay na buhay din nga ako eh,' kausap ko ang sarili ko.

"Kengkoy, miss ko na PJs ko" naramdaman ko siyang bumangon kaya agad akong tumayo at tumungo sa closet namin. Hindi ko alam kung makakatulong pero sana kahit papano mapapagaan nito ang pakiramdam namin. Tinignan ko ang mga damit niya upang makahanap ng matinong pantulog pero sadyang maparaan ang mommy ni Viv, wala talaga siyang itinirang matinong pantulog.

Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa mga damit ko. Okay na siguro na t-shirt ko na lang ang gamitin niya. Hindi man ito PJs niya pero at least hindi lumalabas ang kaluluwa niya. Kumuha ako ng isang grey t-shirt saka bumalik sa kama at inihagis kay Viv, "suotin mo yan," utos ko.


Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa kanya. Tahimik niyang kinuha ang t-shirt at isinuot ito. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naka-jackpot ako nang makita kong suot niya ang t-shirt ko.


"How's that?" tanong ko sa kanya.


Tumingala siya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti saka sinabing, "Thank you."


Tumango lang ako saka bumalik sa paghiga. Nakatihaya ako at inunan ko ang isang kamay habang bumiling siya sa tabi ko.


"Kengkoy, paano kung hindi sila umalis bukas?" tanong niya.


My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon