Camera 4 - Asawa o Alalay?

103K 2.2K 292
                                    

*Viv's POV*

Madaling araw pa lang pero nakagayak na kami kasi malayo pa ang pupuntahan namin. Naisipan kasi ni Louwinsky na sumama kami sa shooting ni Kaz para sa bagong music video niya para naman daw makita akong nandun at para din makalapit siya sa mga producers upang mailakad niya ang career ko. Wala kasing nangyayari sa career ko sa loob ng dalawang buwan. Hindi naman kasi kasali sa kontrata na dapat tulungan ako ni Kaz na sumikat. Sumikat ako bilang asawa niya, yun lang. Pero walang nakapansin sa talento ko bilang singer, kahit kumanta pa ako noong kasal namin.

Si Roger ang nagmaneho habang si nasa passenger's seat si Louwinsky. Si Kaz ang nasa likod dahil hihiga daw siya para matulog habang ako, mag-isang nasa gitna. Ang totoo, tatlong araw kaming hindi nagkausap ni Kaz mula noong nagalit siya sa ginawa ko sa kusina. Hindi na rin nila ako pinapayagang makalapit sa kusina. Nasasaktan ako kapag masayang nag-uusap ang dalawa sa hapagkainan pero bigla na lang maiba ang mood ni Kaz kapag uupo na ako para sumali sa kanila.

Minsan, gusto kong tawagan si Mommy Cassy para papuntahin ng bahay. Alam ko kasing magiging sweet lang si Kaz pag-andun mga magulang niya o mga magulang ko. Wala naman akong maaasahan sa mga magulang ko kaya si Mommy Cassy lang ang naisip kong pwede akong bisitahin. Kaso, mahirap na rin. Sa tuwing nagiging sweet siya sa akin, nahuhulog ako. At kapag umiiwas na siya sa akin, hindi niya alam na mas lalo akong nahahatak papunta sa kanya. Bakit ba ang hilig kong manghingi ng atensyon?

"Vivienne, matagal nang nabuo ang plano para sa music video na ito kaya kahit kasal na kayo ni Kaz, hindi na namin mapalitan kung sino ang leading lady niya sa music video kasi nakapirma na kami ng kontrata," basag ni Roger sa katahimikan.

"Wala namang problema sa akin yun," sambit ko.

"Nagpapaliwanag lang baka kasi ikasama mo ng loob na may ibang kapares si Kaz sa music video," saad ni Roger na siya naman ikinagulat ko.

"Bakit naman sasama ang loob ko? Wala akong karapatang magselos. At saka, nagpapanggap lang kami di ba?" paalala ko sa kanya.

"That is exactly the point," saad naman ni Louwinsky, "bilang asawa ni Kaz, hindi maiiwasang mapatanong ang lahat kung bakit hindi ikaw ang nandoon sa music video."

"Louwinsky," bumuntong hininga si Roger, "naipaliwanag ko na, di ba?"

"Oo na! Basta ha," inirapan ni Louwinsky si Roger, "ipapakilala mo ako sa mga producers doon para naman umusad ang career ng alaga ko."

Napatawa ako sa dalawa, para kasi silang mga aso't pusa na lagi na lang nagtatalo pero ang sweet naman nila kung wala silang pinagtalunan. Pakiramdam ko nga may something na sa kanila.

"Hoy Vivi, anong ningiti-ngiti mo dyan?" tawag sa akin ni Louwinsky na tinignan lang ako sa salamin.

"Wala, bakit?" tumingin din ako sa kanya, "bawal na bang ngumiti?"

"Naku! Ikaw bata ka, alam ko ang takbo ng utak mo kaya kung may naisip kang kapilyohan diyan, huwag mo nang gawin kasi prioridad natin ngayon ang career mo," saad ni Louwinsky kaya yumuko na lang ako.

"So ano ba dapat ang gagawin ko doon bilang asawa ni Kaz?" tanong ko sa dalawa.

"Dumikit ka sa kanya. Huwag mong hayaang may lintang umaaligid sa kanya. Kapag break niya, siguraduhin mong nandun ka lang sa tabi niya," utos ni Louwinsky.

Hindi ako nakakibo sa sinabi ni Louwinsky. Dapat ba talagang ganito? Hindi ko kasi alam ang takbo ng utak ni Kaz pero nararamdaman kong lagi na niya akong iniiwasan at kung nasa bahay man siya, lagi namang si Patricia ang kinakausap niya. Pakiramdam ko nga, ako yung third wheel sa bahay.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon