Camera 7 - Couple's Day Out (2)

92.2K 2.1K 110
                                    

*Kaz's POV*

Naramdaman ko ang excitement ni Vivi nang magsimula siyang pumili ng kakainin niya. Hinayaan ko na lang na siya ang pumili ng order ko dahil natuwa ako sa ginagawa niyang pangungulit sa cashier. Tinatanong kasi niya ito kung ano ang paboritong inoorder sa fastfood, kung masarap ba at kung ano ang paborito ng cashier. Napailing na lang ako at inisip na para lang akong nakikipagbonding sa nakakabatang kapatid ko. Ang kaibahan lang, babae ito at malaki na.

"Kengkoy," pukaw niya sa isip ko, "huwag ka ngang stiff, minsan na nga lang tayo magpakabata eh."

Ngumit ako sa kanya saka ko nilibot ang paningin sa buong fastfood. Mabuti na lang na past one na kami nakaramdam ng gutom. Ibig sabihin, konting tao lang ang nandiyan sa fastfood.

"Kengkoy, bayad natin," hinila niya ang mangas ng t-shirt na parang batang humihingi ng ice crea.

"You're so cute," hindi ko namalayang nasambit ko pala ang nasa isip ko.

"Talaga cute ako?" tanong niya.

"Pumili ka na ng lugar kung saan tayo kakain, ako na ang bahala dito," bahagya kong ginulo ang kanyang buhok dahilan para mapanguso siya. Natuwa naman ako sa reaksyon niya kaya mahina kong kinurot ang pisngi niya.

Bumilog ang mga mata ng cashier ng makita niya ang pangalan ko sa VIP card na ibinigay ko. Mabuti na lang at natulala siya kaya nagkataon ako ng oras para sabihin sa kanya na huwag ipahalata na ako si Kaz Legaspi. Agad naman akong nilapitan ng nakaduting manager para bigyan ako ng special treatment. Gusto sana nilang doon kami sa mini function room kami kakain ni Vivi pero nung nilingon ko si Vivi, nakita kong naglalaro siya sa high-chair na inuupuan niya kaya naisip kong akoyokong ipagkait ang karanasan niyang ito.

"We're good," sagot ko sa manager, "gusto ng asawa ko na doon kami pupwesto."

"Nandito si Mrs. Legaspi?" napangisi ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero nagagalak akong marinig na tinatawag si Vivi na Mrs. Legaspi.

Tumango ako sa kanya saka ko nilingon ang asawa ko na ngayon ay natutuwang nakikipaglaro sa batang nasa katabing table. Hindi ko na kailangang buhatin pa ang mga orders namin dahil agad na may pinadalang crew ang manager para magdala ng orders namin patungo sa kinaroroonan ng asawa ko.

'Asawa,' napatawa ako sa naisip ko. Nasanay na siguro ako na tawagin siyang asawa dahil kahit saan ako magpunta, nakadugtong na sa imahe ko ang pagiging bagong kasal sa isang Vivienne Charmaine Sy.

"Ang hirap kumain na nakashades, Kengkoy," reklamo niya, "di ba talaga pwedeng tanggalin muna natin to?"

"Alam mo namang magkakagulo di ba," sagot ko.

Nilibot niya ang paningin sa buong fastfood saka bumuntong hininga, "nakakainis."

"Masanay ka," sambit ko, "gusto mong sumikat di ba? Ngayon alam mo na na hindi madali para sa akin na sa pampublikong lugar ang mga pinili mong pupuntahan natin."

"Excuse me," sabat ng ina ng batang nilalaro ni Vivi kanina, "ahm alam kong ayaw niyong magpakilala pero gusto ko malaman niyo na sobra akong natuwa na nakatabi namin kayo ng table. Nakakatuwa rin si Miss Vivi dahil nakikipaglaro siya sa bunso ko," nahihiya niyang sabi, "pwedi bang magpapicture sa inyo?"

"Sure!" agad na sagot ni Vivi kaya kinabahan ako.

Kinuha niya ang bata saka tumabi sa ina nito, "Kengkoy, kunan mo nga kami ng picture," utos niya.

Lang'ya, ako na sikat na si Kaz Legaspi ang napag-utusan na maging photographer niya. Pero dahil ayokong maging masama ang image ko, pumayag na lang ako. This is definitely my first time.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon