Action 15 - The Hardest Goodbye

106K 2K 103
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Kaz's POV*

Tahimik akong nakaupo sa harap ng mesa ni Mr. Sy habang kasalukuyan siyang may kausap sa telepono. Sa tingin ko, ito yung contact niya galing Singapore. Mukhang pinag-uusapan nila ang pagdating ng anak ng Singaporean Prime Minister para makipagkita kay Vivienne.

Hindi ko alam kung bakit kinaya ko ang manatili dito at lunukin ang pride kahit alam kong nakapagdesisyon na ang ama ni Vivienne. Hindi pa ako handang sumuko. Gusto ko pang subukang makiusap.

"What are you still doing here, Mr. Legaspi," pangungutya niya pagkatapos niyan ibaba ang receiver ng telepono.

"Mr. Sy, hihingi pa sana ako ng karagdagan pang panahon," saad ko.

"Isang araw lang ang ibinigay ko sayo pero umabot ng isang linggo bago ako nagdesisyon. Sapat na ang isang linggong wala kang nagawa upang pigilan ang paglaganap ng video ni Louwinsky sa social media para masabi kong panahon na na ako ang kumilos," mariing sagot nito sa akin.

"Mr. Sy, maawa kayo kay Vivienne. Para siyang isang bagay na ipamimigay mo lamang," sambit ko.

"Hinayaan kitang alagaan mo ang anak ko, Kaz. Pero hindi mo nagawang protektahan ang reputasyon niya. Bakit ko pa siya ipapaubaya sayo?" mapanuya niyang saad.

"Pagsubok lamang ito. Nagmamahalan po ka –"

"Narinig ko na yan!" pinutol niya ang dapat ko sanang sabihin, "at kahit marami akong napansing inconsistencies, hinayaan ko kayo dahil nakiusap ang ina ni Vivi. Dahil naniwala si Charm pagpapanggap niyo."

"Mr. Sy, buhay ni Vivienne ang pinag-uusapan natin dito,"sinubukan kong kontrolin ang boses ko.

"Buhay nga ng anak ko ang pinag-uusapan natin dito," humilig siya sa kanyang swivel chair, "buhay na ginulo mo."

"Maaayos namin ito," saad ko, "mas lalong lalala kung malaman nf sambayanan na naghiwalay kami. Mas lalo nilang iisipin na totoo ang mga sinabi ni Louwinsky."

"Wala na kayong dapat ayusin," galit siyang tumayo, "Vivienne will be leaving your house. End of discussion. Makakaalis ka na."

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Gusto ko pa sanang tumutol ngunit nakita kong sarado na ang utak niya. Pero hindi ibig sabihin nito na susuko na ako. Gagawa ako ng paraan pero kailangan ko lang ng sapat na panahon.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa aking sasakyan habang mariing ipinikit ang mga sa mata nang inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan. Kailangan kong kumilos sa lalong madaling panahon. Kailangan kong magawan ng paraan ang lahat ngunit wala akong maisip. Nasa ganoong sitwasyon ako nang may tumawag.

Michelle Lumanog, ang bagong itinalagang sekretarya ko bilang CEO, siya ang tumawag kaya sinagot ko ito, "Hello?"

"Sir, pinapatanong po ng board committee kung kailan mo raw balak ayusin ang problema sa partnership natin sa London," saad nito, "natunogan daw kasi ng kabilang istasyon at mukhang may balak itong kausapin ang may-ari ng network sa London. Baka raw maunahan tayo."

"Sino ba ang traydor na nagleak ng information na yan?" inis kong saad, "pupunta ako ng opisina. I will review the papers."

Binaba ko ang cellphone saka sinimulan ang pagmamaneho. Nalilito pa nga ako kung paano aayusin ang problema namin ni Vivi, naging komplikado pa ang pag-take over ko bilang CEO ng kompanya. Kailangan ko rin kasing patunayan sa kanila na kahit sa ganitong edad, kaya kong pamamahalaan ang kompanya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon