Lights 15 - The KaVienne Rider

97.4K 2.1K 199
                                    

*Vivi's POV*


Napagod ako sa buong maghapong photoshoot. Maliban kasi sa photoshoot, ngayon din kasi namin nilipat ni Kaz ang mga gamit namin mula sa condo niya.


"Sigurado ka bang okay ka lang sa arrangement na ganito?" tanong sa akin ni Louwinsky.


"May magagawa pa ba ako?" tanong ko.


"Wala," matabang niyang sagot


"Kitams? Tinanong mo pa ako," sinungitan ko siya.


"Pinapagaan ko lang ang nararamdaman mo," saad ni Louwinsky.


"Bakit naman bibigat ang pakiramdam ko?"inirapan ko siya.


"Vivi, babae ako," bumuntong hinga siya, "kahit hindi mo sabihin, alam kong nahuhulog na ang loob mo kay Kaz."


"Don't worry," ningitian ko siya, "I know where I stand and by the looks of it, si Patricia ang prinsesa sa buhay niya."


"Kaya nga," bumagsak ang balikat niya, "baka masaktan ka."


"Haha! Maaga pa para masaktan ng sobra. Aaminin ko, naging crush ko siya pero crush palang yun," pagtatanggol ko sa sarili ko.


"Ewan lang ha pero dahil sabi mo yan," naningkit ang mga mata niyang iningnan ako, "panghahawakan ko yan."


Sasagot na sana ako pero biglang bumukas ang pinto sa salas at lumitaw ang mga babaeng matagal ko nang hindi nakikita.


"Ely, Rhie, Arie, Candace!" tawag ko sa mga bestfriends kong dati kong   masamahan sa The Lost Music Band, "anong ginagawa niyo dito?"


"Ikaw ha, akala namin si Rhie ang mauuna pero ikaw pala," mahinang tapik sa akin ni Ely, "kung hindi pa namin nabalitaan, hindi mo pa siguro  sasabihin."


"S-sorry," napayuko ako, "b-biglaan kasi."


"Ohemgee! Vivi?" Bumilog ang mata ni Arie.


"No!" napasigaw ako sa reaksyon niya, "Hell, no! It's not what you think."


"Oh?" napahalukipkip si Rhie, "Eh bakit parang ang bilis naman ng desisyon mong magpakasal?"


"Thesis, nasaan mo nilagay ang mga blankets?" biglang lumitaw si Kaz.


"Siya ba?" agad na bumulong si Rhie.


"H-huh?" nilingon ko si Kaz, "nasa itaas na bahagi ng cabinet."

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon