Action 3 - Songs of Our Hearts

113K 2.3K 169
                                    


www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Kaz's POV*

Naglalaro kami ng habolan ng dumating ang mga magulang ni Kevin. Karga ko si Kevin habang hinahabol namin si Vivi. Tuwang-tuwa ang bata sa tuwing kunwari ay naabutan namin si Vivi.

"Naku Vivi," saad ni Jane, "dahan-dahan lang. Tandaan mo, buntis ka."

Napahinto kaming dalawa sa narinig namin. Buntis nga pala si Vivi. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko kung paano kaya kung totoong buntis si Vivi. Ano kayang klaseng pag-iingat ang gagawin ko sa kanya? Kahit siguro buong araw niya akong gawing alipin, hindi ako magrereklamo.

"Kumusta ang baby ko?" kinuha ni Jane sa akin si Kevin.

"Sobra siyang natutuwa sa dalawa," saad ng camera man, "dami naming magagandang kuha. Nakakaaliw talaga kapag parehong isip bata ang mga magulang. Tiyak na masayahin ang batang dinadala ni Vivi. Para kasing walang problema ang mag-asawang to."

Nakaramdam ako ng kakaibang pagmamalaki kaya hinawakan ko ang kamay ni Vivi. Agad naman akong nilingon ni Vivi kaya kinindatan ko siya. Natuwa ako dahil halatang apektado siya sa ginawa ko. Agad kasing namula ang ang kanyang pisngi saka yumuko pero nahagip naman ng tingin ko ang lihim niyang pagngiti.

"Pwede bang magpapicture bago kayo umalis?" tanong ni Jane.

"Sige po," sagot ni Vivi.

Binigay ni Jane si Kevin kay Vivi saka pumwesto sa tabi ko. Pumwesto naman si Jhayde sa tabi ni Vivi.

"Closer pa," saad ng cameraman kaya inakbayan ko si Vivi.

Nakangiti kaming lahat sa unang picture pero nung sinabing wacky, nagmake-face ang lahat habang lumapit naman ako kay Vivi saka ninakawan siya ng halik. Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya ang gulat niyang mukha ang siyang nakunan ng litrato habang tumatawa naman ako sa hitsura niya.

Pagod kaming lahat kaya hindi na kami nagtagal sa bahay ng pamilya Corro. Tahimik kaming naglakbay papauwi habang nakahilig sa dibdib ko si Vivi dahil nakatulog ito.

"Namiss ko na si Kevin," nakasimangot niyang saad.

"Hayaan mo, bibisita tayo sa kanya pag-magkta-time tayo," bulong ko sa kanya.

Nasa anniversary party kami ngayon. Kasama ko ang Adonis band habang kompleto namang dumating ang members ng The Lost Music. Napag-usapan kasi na tutugtog ang banda nila at banda namin ngayon. Dahil nagmadali kasi si Aries, ang lead singer nila na ngayon ay sikat nang international artist.

Wala akong maisip na salita para ilarawan ang nararamdaman ko habang pinapanood si Vivi bilang drummer ng The Lost Music. Sobra akong namangha sa galaw niya dahil halatang bihasa siyang drummer pero mas namangha ako nang kumanta siya habang pinapatugtog ang drums.

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito na lang ako, nangangarap na mapa-sayo," sinimulan niya ang pagkanta ng "Migraine" ng Moonstar88.

Hindi namin sinasadyang magtama ang mga paningin namin. Simula nun, hindi ko na tinanggal ang titig ko sa kanya kahit pa naramdaman ko ang pagtapik ng barkada ko sa balikat ko. Hindi rin sumuko sa pagtitig sa akin si Vivi kaya alam ko na agad na para sa akin ang kantang kinanta niya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon