Camera 10 - Flirtationship

106K 2.2K 262
                                    

*Vivi's POV*

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking bato habang nakaharap sa karagatan. Hindi ko na rin alam kung saang parte ng Luzon itong napuntahan namin basta ang alam ko, hindi ko pa kayang umuwi. Hindi ko pa kayang tingnan sina Kaz at Patricia na parang sila ang mag-asawa at ako ang third wheel. Natawa ako sa isipan ko. Asawa? Bakit ko ba naman naisipan yun eh hindi naman talaga ako asawa ni Kaz?

"Anong iniisip mo?" tanong ni Dee.

"Hindi ko alam," nagkibit balikat ako, "marami akong iniisip eh. Magtanong ka na lang."

"Sige," humarap siya sa akin habang nilagay naman niya ang kanyang hintuturo sa baba na para bang malalim ang inisip, "Ito na lang. Hanggang kailan kayo magpapanggap ni Kaz?"

Napaisip ako sa tanong niya. Hanggang kailan ba? Hindi naman kasi namin yun napag-usapan eh.

"Huwag mong sabihin na pumasok ka sa kasunduang ito pero hindi mo alam kung paano ka makakalabas?" tanong niya ulit.

Dahil tama naman ang sinabi niya, hindi na lang ako sumagot bagkus ay tumango na lang.

"Putch@!" napasapak siya sa noo niya, "hindi mo ba naisip na ikaw ang kawawa?"

"Naisip," mahina kong sagot.

"Dahil diyan, mas lalo ka dapat pumayag sa alok ko," saad niya.

"Ano? Yung flirtationship?" bumilog ang mga mata ko habang sinabi ko yun, "ang landi mo talaga Dee!"

"Mas malandi naman ang peke mong asawa!" agad niyang sagot na napatameme sa akin. Tama kasi siya, harap-harapang nilalandi ni Kaz si Patricia kahit nasa hapagkainan kami.

"Eh ano naman ang makukuha mo sa flirtationship?" tanong ko.

"Enjoyment," malimit niyang sagot.

"Enjoyment? Anong nakaka-enjoy doon?" tanong ko.

"Aist," nag-indian sit siya habang hinarap niya ako, "Sa flirtationship kasi, malaya nating nagagawa ang mga bagay na pwedeng gawin ng magnobyo minus the obligation and commitment."

"More like fling?" tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Yung fling kasi, purong laro, walang pakialamanan. Ang flirtationship ay isang relasyong magkakaibigan, naglalandian pero hanggang magkakaibigan lang. Yung tipong pwedi akong umaktong boyfriend mo pero hindi mo naman ako boyfriend," paliwanag niya.

"Like?" hinarap ko na rin siya.

"Ganito, pwedi tayong magdate na parang magnobyo pero hindi tayo magnobyo. Magiging maalaga ako sayo na parang nobyo mo at ikaw rin ganun sa akin. Pakikiligin natin ang isa't isa pero malinaw na magkakaibigan lang tayo. Pupunan ko ang pagkukulang ni Kaz at ganun ka rin sa akin. Purong landian lang walang halong sexual," sagot niya.

"So parang yung nangyayari sa amin ni Kaz?" tanong ko ulit.

"Yung sa inyo ni Kaz ay nabibilang sa fling," saad niya, "sa flirtationship, may halong concern at maingat tayo na hindi natin masaktan ang isa't isa dahil una sa lahat, magkaibigan tayo."

"Yun lang? Wala bang rules tulag ng bawal mainlab o bawal ang halikan o bawal ang makipagdate sa iba?" tanong ko ulit.

"Yung flirtationship kasi ay isang turning point. Maari tayong magpatuloy bilang magkaibigan, maari rin itong maging higit pa sa magkaibigan. Sabihin na lang natin na para tayong tumikim ng sampol product o di kaya, isipin mo na lang na kung ang pagiging magnobyo ay parang mag-asawa, yung flirtationship ay parang live-in stage ng mag-nobyo," paliwanag niya.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon