Camera 13 - Code Black

103K 2.2K 319
                                    

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)


*Vivi's POV*

Nakayakap ako kay Kaz habang isiniksuk ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat niya dahil sa sobrang hiya. Inakala kasi ng lahat na buntis ako. Ayoko sanang magpakarga kasi pakiramdam ko sobrang nang-aagaw na kami ng pansin kaso nagpumilit si Kaz. Nagpasalamat na lang din ako dahil bumalik naman ang pagkahilo ko nung nasa elevator na kami. Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid.

"Tapatin mo nga ako, Kaz," narinig ko si Roger habang nakasunod sa amin, "may nangyari ba sa inyo ni Vivi?"

Hinintay kong kumibo si Kaz pero nanatili siyang tahimik kaya ako na ang sumagot, "walang nangyari sa amin."

"Eh bakit ka nahilo?" may pagdududa niyang tanong.

"Hindi siya kumain ng pananghalian kaya siya nahilo," sagot ni Dee. Teka, si Dee-lan? Kasama namin si Dee-lan?

"Bakit hindi siya kumain?" tanong ni Roger.

"Inaasar kasi siya ni Kaz tungkol sa baby fats niya kaya nung nalaman niyang two piece ang susuotin niya, napagpasyahan niyang hindi na lang kumain," paliwanag ni Dee-lan.

Naramdaman ko ang lapag sa akin ni Kaz sa kama at tinabunan ng kumot pero hindi pa rin tumigil si Roger sa pagtatanong, "at bakit si Dee-lan ang sumasagot sa tanong ko?"

"Dahil wala naman siyang pakialam," sagot ni Dee-lan.

"Tapos ka na ba?" narinig ko ang inis na boses ni Kaz, "hindi ka na kailangan dito, pwede ka nang umalis."

Naramdaman ko ang tensyon kaya pinilit kong imulat ang aking mga mata. Nakita ko ang dalawang lalaki. Nasa pagitan nila ako. Nagtitigan ang dalawa na para bang nagsusukatan.

"Dito lang ako, aalagaan ko si Vivi," narinig kong saad ni Dee-lan.

"Hindi na kailangan," namaywang si Kaz, "andito naman kami."

"Talaga?" sumilay ang mapangutyang ngiti ni Dee-lan, "Sige nga, anong balak mong gawin?" kinindatan lang niya ako. Lalo tuloy akong nag-alala.

"She needs rest," ma-awtoridad na saad ni Kaz, "hindi siya makakapagpahinga kung nandito ka."

"Kita mo 'tong tao 'to!" natatawang saad ni Dee-lan, "alam daw ang gagawin eh papatulogin ka lang pala!"

"She needs rest!" inulit ni Kaz pero sa pagkakataong ito, halata nang may galit ang pagka-saad, "umalis ka na. Kaya kong alagaan ang asawa ko," hindi ko alam pero lihim akong napangiti sa narinig ko. Ang totoo, kinikilig talaga ako sa tuwing tatawagin niya akong asawa sa harap ng mga tao. Kahit nagpanggap lang kami, kinikilig pa rin ako.

"Vivi, nasa kabilang kwarto lang ako," saad ni Dee-lan na hindi ako tinignan dahil patuloy ang pakikipagsukatan niya ng tingin kay Kaz, "at sabihin mo diyan sa peke mong asawa na pakainin ka muna bago ka patulugin!"

*Kaz's POV*

Naiinis pa rin ako sa tuwing maalala ko kung paano ako naisahan ni Dee-lan sa palitan namin ng salita kanina. Bakit ba naman kasi hindi ako nag-iisip? Kaya nga siya hinimatay ay dahil hindi pa nakakain, bakit hindi ko naisip na pakainin muna siya?

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon