Camera 8 - Couple's Day Out (3)

100K 2.2K 170
                                    


*Kaz's POV*

Katahimikan ang bumalot sa amin sa sasakyan habang papunta kami sa dinner date namin. Hindi naman sa nagalit ako sa biglang paghalik niya sa akin kanina, hindi ko lang kasi inasahan yun, Napansin ko rin naman na dahil lang yun sa sobrang saya niya kaya pero hindi lang ako nasanay na inu-unahan ako ng babae.

"Great job, Kaz," saad ni Roger habang nagmamaneho, "sa inasal niyo kanina, napapabilib ninyo ang mga tao na nagmamahalan talaga kayo."

"Nakunan ba ng picture yung paghalik ni Vivi sa akin?" tanong ko.

"Siyempre," natatawa niyang saad, "hindi yun pwedeng kaligtaan yun dahil magiging magandang publicity yun. Galingan niyo pa ngayong gabi ha, naghire na rin ako ng photojournalist na kunwaring paparazzi niyo."

"Para saan pa?" napalingon ako sa kanya.

"Isa sa mga dahilan kung bakit ginagawa natin ito ay para maipakita natin sa lahat na tunay kayong nagmamahalan," namulsa siya habang tumingin siya sa akin na nakataas ang isang kilay, "paano niyo ipapakita sa kanila na sweet ang dinner date niyo kung walang paparazzing nakakakuha ng litrato niyo."

"Point taken pero mapagkakatiwalaan ba yan?" tanong ko sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, kilala ko siya at hindi siya magsasalita," sigurardong sagot niya.

"Andito na tayo," masayang saad ni Louwinsky kaya agad akong lumingon sa labas ng sasakyan. Napangiti ako sa naalala ko pero pilit ko itong iniwaksi dahil sobra-sobra na.

"Vivi," nilingon ni Louwinsky ang katabi ko, "hindi niyo kailangang magpanggap sa buong biyahe. Si Dee-lan ang kinuha naming photojournalist, yung kapatid ni Dessa."

"Si Dee-lan?" napakunot ang noo ko, hindi ko siya masyadong kilala pero nakita ko na siya nung minsang dinalaw niya si Dessa sa bar ni Mago.

"So alam ni Dee-lan na peke ang kasal namin?" tanong ng katabi ko. Kilala rin kasi niya si Dee-lan. Pinakilala kasi ni Dessa kay Vivi ang mga kapatid nito. Hindi ko alam kung may halo bang galak o pagkamangha ang pagkasaad ni Vivi, para lang akong nabunotan ng tinik sa isipang sa wakas ay kumibo na rin siya.

"Sinabi ko na lang dahil nagtaka siya nung nilapitan namin siya," bumalik ang tingin ni Louwinsky sa windshield, "mas mabuti na rin yun para matulungan niya tayo na gawing kapani-paniwala ang pagpapanggap niyo."

"Okay," mahinang sambit niya.

"Lumabas na kayo. Nasa loob na ng yacht si Dee-lan," saad ni Roger kaya agad na akong lumabas ng sasakyan.

Tulad ng lagi naming ginagawa, hinintay ni Vivi na pagbuksan ko siya ng pinto saka siya lalabas. Para lang kaming sumasayaw na kabisadong kabisado ang bawat galaw ng isa't isa. Ang totoo, nag-alala ako para kay Vivi. Kailangan kong ipaalala sa kanya na nagpapanggap lang kami. Baka kasi umasa siya sa pinakita kong kabaitan sa kanya kanina.

*Viv's POV*

Kanina ko pa hindi alam kung paano siya kakausapin dahil halatang hindi niya nagustohan ang biglang paghalik ko sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na wala lang yun kaso nahiya ako sa ginawa ko. Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit bigla ko na lang yun ginawa. Mabuti na lang na hindi na kami kailangang magpanggap na sweet sa loob ng yacht dahil alam ng photographer namin na nagpapanggap lang kami. Ibig sabihin, pwedeng kunan lang kami ng ilang litratong kunwari ay naglalambingan at pwede na akong lumayo kay Kaz.

Ang totoo, sobra akong nailang na kasama ko siya ngayon. Maliban kasi sa suot kong masyadong pa-Lady, lagi ko kasing naalala yung ginawa kong pagnakaw ng halik sa kanya kanina doon sa mall. Kung pwede lang sanang maglaho, ginawa ko na.

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon