Camera 3 - The Temptress Queen and I

97.3K 2K 143
                                    

*Kaz's POV*

Nakakunot ang noo ni mommy habang tinitignan niya si Patricia na ngayon ay nagluluto ng hapunan sa kusina.

"Wala bang delikadesa yang kaibigan mo at sa bagong kasal pa siya nakikitira?" mariing nakatitig pa rin si mommy sa direksyon ng kusina.

"Mommy, she is a friend. Hindi ko siya pwedeng pabayaan," saad ko.

"Friend? Friend na hinalikan mo isang linggo bago ang kasal mo? Umayos ka nga Kaz!" inirapan ako ni mommy, "Sana lang mali itong hinala ko sa inyo dahil utang na loob, hindi kita pinalaki para manakit ng babae!"

"Wala naman akong sinaktan, ah," sabi ko habang napansin kong paparating si Vivi sa gawi namin.

"Mommy!" magiliw na bati nito sa mommy ko saka humalik sa pisngi. Binigyan siya ng matamis na ngiti ni mommy pero nung niyakap na siya nito, tinapunan naman ako ng masamang tingin kaya napakamot na lang ako sa ulo.

"Thesis," tawag ko sa kanya, "sabihin mo nga kay Mommy, sinasaktan ba kita?"

Umiling siya saka tinapunan ng malambing na ngiti si Mommy saka sinabi, "mabait po si Kaz, mommy."

"Sigurado yan ha," inirapan ulit ako ni mommy bago ibinaling ang tining kay Vivi, "anak, ikaw ang asawa," hinawakan niya ang kamay ni Vivi, "ikaw dapat ang nag-aalaga sa anak ko at hindi kung sinu-sino lang."

"Ho?" halatang hindi naintindihan ni Vivi ang ibig sabihin ni mommy.

"Mommy naman," inakbayan ko si Vivi, "nasa honeymoon stage kami ngayon kaya malaking tulong sa amin na nandito si Patricia."

"Pilyo kang bata ka!" mahina akong pinalo ni mommy sa braso, "mga bata pa kayo, i-enjoy niyo muna ang pagsasama niyo. Sa ginagawa niyo, baka makabuo kayo agad."

Gusto kong matawa sa sinabi ni mommy pero para maitago ko ang tawa ko, lumipat ako sa likod ni Vivi para yakapin siya at isiksik ang ulo ko sa leeg niya, "Bango kasi ng baby ko.

"Kengkoy!" pilit na kumawala si Vivi, dito pala ang kiliti niya, pero siyempre hindi ko siya pinakawalan. Alam kong kikiligin si mommy sa ginawa ko kaya mas hinigpitan ko ang pagkayakap ko para hindi siya makawala.

"Maghunusdili nga kayo! Ang aga-aga eh," mas lalo akong natawa sa reaksyon ni mommy, "ang sinasabi ko lang naman ay sana hayaan mong ang asawa mo ang gumagawa ng responsibilidad niya sayo."

"Ginagawa naman niya eh," sabi saka umaktong kagatin ang tenga ni Vivi pero hindi ko nagawa kasi nagpumiglas ang bata.

"Naku ewan ko sayo, Kaz!"iniwasiwas ni mommy ang kanyang kamay. Magsasalita pa sana ako pero biglang tumawag si Patricia.

"Handa na po ang hapunan, kain na po tayo," saad ni Patricia.

Tahimik kaming pumwesto sa mesa. Nasa gitna ako nina mommy at Vivienne na ngayon ay magkaharap. Nasa tabi naman ni Vivi si Patricia. Binalot kami ng katahimikan habang nahalata kong naiilang na si Patricia dahil sa pabalik-balik na masamang tingin ni mommy sa kanya.

"Thesis, ikaw nanaman ang magluto bukas," basag ko sa katahimikan, "lutuin mo yung paborito kong sinangag at bacon."

"Hay naku, hanggang ngayon yan pa rin ang gusto mong almusal," saad ni mommy na ngayon ay nakangiti na.

*Vivi's POV*

Nagulat ako nung sinabi ni Kaz kagabi na ako ang magluluto. Never in my entire life na nagluto ako, sanay akong may yayang nagluluto para sa akin at lagging may Louwinsky na binibaby ako. Ang totoo, hindi ako nakatulog sa kakaisip kung paano ko malulusutan ang problemang ito. Ika nga nila, the way to the man's heart is through his stomach pero paano ko yun gagawin? Sana pala, cooking ang kinuha kong TLE hindi arts and crafts.

Alam kong simpleng prito lang ang gagawin sa bacon kaya naisipan kong unahin ang sinangag. Mukha kasing komplikado ito. Bahagya akong nakatitig sa vegetable bin, nagtatalo ang isip ko kung anu-anong sangkap ang kailangan kong hiwain. Hindi ko kasi maalala kung meron bang kamates at bawang ang sinangag.

Itinext ko si Ate Janine para sana humingi ng tulong, kaso hindi ako sinagot kaya naisip kong kumuha na lang ng sebuyas, kamates at bawang. Bahala na siguro, ang importante, hindi lason ang nililito ko. Sinimulan ko sa paghiwa ng kamates at bawang. Okay sa simula ngunit nung sinimulan ko na ang sebuyas, hindi ko na mapigilan ang pagiyak dahil sa sobrang anghang na dulot nito sa mga mata ko.

Lumuluha pa rin ako habang inihanda ko na ang kaldero. Nilagyan ko ito ng oil saka hinalo ang mga sangkap na hiniwa ko kanina. Hindi nagtagal, inihalo ko na rin dito ang bigas. Ang pinagtataka ko, kalahating oras ko na itong hinahalo pero hindi naman ito naging kanin. Nabahala na nga ako kasi nagsimula nang mangitim ang bawang at sebuyas kaya naisip ko na baka kailangan kong ilagay na ang itlog.

"Vivi! Anong nangyari dito?" sigaw ni Kaz mula sa likod ko, doon ko na napansin na napuno na pala ng usok ang buong kusina.

"Tabi ka!" napaatras ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Tinakbo niya ang niluto ko, pinatay niya ang stove saka kinuha ang kaldero na ngayon ay may apoy na saka tinapat sa umaagos na tubig.

"Balak mo bang sunugin ang bahay?" bulyaw niya sa akin kaya napaatras ako hanggang mabangga ako sa refrigerator, "wala ka bang alang na matino? Kababaeng mong tao hindi ka marunong magluto!"

"S-sorry," yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Kaz, tama na yan. Ako na ang bahala dito," pumagitna si Ate Patricia. Nakita ko ang biglang pagkalma ni Kaz nung hinarap na siya ni Ate Pat. Hindi ko alam pero sobra akong nasaktan. Wala nga ba akong nagawang tama?

Tumakbo ako papuntang banyo ng kwarto namin at nagkulong. Pakiramdam ko, isa akong kandilang nauupos, nawawalan ng liwanag, nauubusan ng sigla. Pipilitin kong maging manhid at balang araw, gigising din ako na tanggap ko na ako si Vivienne Charmaine Sy, only his on-cam wife.

___________________________________

AN: Alam kong maraming nagmamahal kay Kaz dahil sa selfless love niya kay Patricia sa Sold to My Ex-Husband, but nobody's perfect.

Sana makisali po kayo sa group namin sa Facebook - https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/or like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Makipagkulitan din kayo sa wall nina Kaz at Vivienne.

Kaz Legaspi -

https://www.facebook.com/kazlegaspi.official?fref=ts

Vivienne Charmaine Sy - https://www.facebook.com/profile.php?id=100009321254579&fref=ts

NOT EDITED

NOT REVIEWED

SORRY FOR THE ERRORS (but I am open to constructive

criticisms)

�d0��ՠ

My On-Cam Wife (Published Under Psicom publishing, Inc)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon